JOB 32
32
Ang Pagsasalita ni Elihu
1Kaya't ang tatlong lalaking ito ay huminto na sa pagsagot kay Job, sapagkat siya'y matuwid sa kanyang sariling paningin.
2Nang magkagayo'y nagalit si Elihu, na anak ni Barakel na Buzita, mula sa angkan ni Ram. Nagalit siya kay Job sapagkat binigyang-katuwiran niya ang sarili sa halip na ang Diyos.
3Galit din siya sa tatlong kaibigan ni Job, sapagkat sila'y hindi nakatagpo ng sagot, bagaman ipinahayag nilang mali si Job.
4Si Elihu nga ay naghintay upang magsalita kay Job, sapagkat sila'y matanda kaysa kanya.
5At nagalit si Elihu nang makita niya na walang kasagutan sa bibig ng tatlong lalaking ito.
6Si Elihu na anak ni Barakel na Buzita ay sumagot at nagsabi:
“Ako'y bata pa,
at matatanda na kayo,
kaya't ako'y nahihiya at natakot
na ipahayag sa inyo ang aking kuru-kuro.
7Aking sinabi, ‘Hayaang magsalita ang mga araw,
at ang maraming mga taon ay magturo ng karunungan.’
8Ngunit ang espiritu na nasa tao,
ang hininga ng Makapangyarihan sa lahat ang nagbibigay sa kanya ng unawa.
9Hindi ang dakila ang siyang matalino,
ni ang matanda man ang siyang nakakaunawa ng wasto.
10Kaya't aking sinasabi, ‘Pakinggan ninyo ako;
hayaan ninyong ipahayag ko rin ang aking kuru-kuro.’
11“Narito, aking hinintay ang inyong mga salita,
pinakinggan ko ang inyong matatalinong pananalita,
samantalang kayo'y naghahagilap ng masasabi.
12Ang aking pansin sa inyo'y aking ibinigay,
at narito, kay Job ay walang nakapagpabulaan,
o sa inyo'y may nakasagot sa kanyang mga tinuran.
13Mag-ingat nga kayo, baka sabihin ninyo, ‘Kami ay nakatagpo ng karunungan;
madadaig siya ng Diyos, hindi ng tao.’
14Hindi niya itinukoy sa akin ang kanyang mga salita,
at hindi ko siya sasagutin ng inyong mga pananalita.
15“Sila'y nalito, sila'y hindi na sumagot pa;
sila'y walang masabi pang salita.
16At ako ba'y maghihintay, sapagkat sila'y hindi nagsasalita,
sapagkat sila'y nakatigil doon, at hindi na sumasagot?
17Ibibigay ko rin naman ang sagot ko,
ipahahayag ko rin ang aking kuru-kuro.
18Sapagkat sa mga salita ako'y punung-puno,
ako'y pinipilit ng espiritung nasa loob ko.
19Narito, ang aking puso ay parang alak na walang pasingawan,
parang mga bagong sisidlang-balat na malapit nang sumambulat.
20Ako'y dapat magsalita, upang ako'y maginhawahan;
dapat kong buksan ang aking mga labi at magbigay kasagutan.
21Sa kaninumang tao'y wala akong kakampihan,
o gagamit ng papuring pakunwari sa kaninuman.
22Sapagkat hindi ako marunong sumambit ng mga pakunwaring salita;
kung hindi ay madali akong wawakasan ng sa akin ay Lumikha.
Kasalukuyang Napili:
JOB 32: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: