JOB 33
33
Pinagsabihan ni Elihu si Job
1“Gayunman, Job, pagsasalita ko'y iyong dinggin,
at makinig ka sa lahat ng aking mga sasabihin.
2Narito, ang bibig ko'y aking ibinubuka,
ang dila sa aking bibig ay nagsasalita.
3Ipinahahayag ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso;
at ang nalalaman ng aking mga labi, ang mga ito'y nagsasalitang may pagtatapat.
4Ang espiritu ng Diyos ang sa aki'y maylalang,
at ang hininga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.
5Sagutin mo ako, kung iyong makakaya;
ayusin mo ang iyong mga salita sa harapan ko; manindigan ka.
6Tingnan mo, sa harapan ng Diyos ako'y kagaya mo,
ako ma'y nilalang mula sa luwad na kapiraso.
7Hindi mo kailangang katakutan ako,
ang aking pamimilit ay hindi magiging mabigat sa iyo.
8“Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pandinig,
at ang tunog ng iyong mga salita ay aking narinig.
9Iyong sinasabi, ‘Ako'y malinis at walang pagsuway;
ako'y dalisay, at sa akin ay walang kasamaan.
10Tingnan mo, naghahanap siya laban sa akin ng kadahilanan,
ibinibilang niya ako na kanyang kaaway;
11ang#Job 13:27 aking mga paa'y kanyang tinatanikalaan,
lahat ng aking mga landas ay kanyang binabantayan.’
12“Ngunit sa bagay na ito'y hindi ka wasto. Sasagutin kita.
Ang Diyos ay dakila kaysa tao.
13Bakit ka nakikipagtalo laban sa kanya,
na sinasabi, ‘Hindi niya sasagutin ang alinman sa aking mga salita’?
14Sapagkat ang Diyos ay nagsasalita sa isang paraan,
at sa dalawa, bagaman sa tao'y hindi ito nauunawaan.
15Sa#Job 4:13 isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi,
kapag ang mahimbing na pagkakaidlip ay dumating sa mga tao,
habang sila'y natutulog sa kanilang mga higaan,
16kung magkagayo'y ang mga tainga ng mga tao'y binubuksan niya,
at sa mga babala'y tinatakot sila,
17upang sa kanyang gawa siya'y maibaling,
at ang kapalaluan sa tao ay putulin;
18pinipigil niya ang kanyang kaluluwa mula sa hukay,
at ang kanyang buhay sa pagkamatay sa tabak.
19“Pinarurusahan din ng sakit sa kanyang higaan ang tao,
at ng patuloy na paglalaban sa kanyang mga buto;
20anupa't kinaiinisan ng kanyang buhay ang tinapay,
at ng kanyang kaluluwa ang pagkaing malinamnam.
21Ang kanyang laman ay natutunaw na anupa't hindi makita;
at ang kanyang mga buto na hindi dating nakikita ay nakalitaw na.
22Ang kanyang kaluluwa ay papalapit sa hukay,
at ang kanyang buhay sa mga nagdadala ng kamatayan.
23Kung mayroong isang anghel para sa kanya,
isang tagapamagitan, sa isang libo ay isa,
upang ipahayag sa tao kung ano ang matuwid sa kanya;
24at siya'y mapagpala sa taong iyon, at nagsasabi,
‘Sa pagbaba sa hukay ay iligtas mo siya,
pantubos ay natagpuan ko na;
25hayaang maging sariwa sa kabataan ang kanyang laman;
siya'y pabalikin sa mga araw ng kanyang lakas ng kabataan.
26At ang tao'y nananalangin sa Diyos, at siya'y kanyang tinatanggap,
siya'y lumalapit sa kanyang harapan na mayroong galak,
at gagantihin ng Diyos#33:26 Sa Hebreo ay niya. dahil sa kanyang katuwiran,
27siya'y umaawit sa harapan ng mga tao, at nagsasaysay,
‘Ako'y nagkasala, at binaluktot ang matuwid,
at iyo'y hindi iginanti sa akin.
28Kanyang tinubos ang kaluluwa ko mula sa pagbaba sa hukay,
at makakakita ng liwanag ang aking buhay.’
29“Narito, gawa ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito,
makalawa, makaikatlo sa isang tao,
30upang ibalik ang kanyang kaluluwa mula sa hukay,
upang kanyang makita ang liwanag ng buhay.
31Makinig kang mabuti, O Job, ako'y iyong dinggin;
tumahimik ka, at ako'y may sasabihin.
32Kung ikaw ay mayroong sasabihin, bigyan mo ako ng kasagutan,
ikaw ay magsalita, sapagkat ibig kong ikaw ay bigyang-katuwiran.
33Kung hindi, ako'y iyong pakinggan,
tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan.”
Kasalukuyang Napili:
JOB 33: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: