Ngunit ang PANGINOON ay naghagis ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, anupa't ang barko ay nagbantang mawasak. Nang magkagayo'y natakot ang mga magdaragat at tumawag ang bawat isa sa kanya-kanyang diyos; at kanilang inihagis sa dagat ang mga dala-dalahang nasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Samantala, si Jonas ay nasa ibaba sa pinakaloob na bahagi ng barko na doon ay nakahiga siya at nakatulog nang mahimbing. Sa gayo'y dumating ang kapitan at sinabi sa kanya, “Ano ang ibig mong sabihin, at natutulog ka pa? Bumangon ka, tumawag ka sa iyong diyos! Baka sakaling alalahanin tayo ng diyos upang huwag tayong mamatay.” Sinabi nila sa isa't isa, “Pumarito kayo at tayo'y magpalabunutan upang ating malaman kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin.” Kaya't nagpalabunutan sila, at ang nabunot ay si Jonas.” Nang magkagayo'y sinabi nila sa kanya, “Sabihin mo sa amin, dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin? Ano ang iyong hanapbuhay? At saan ka nanggaling? Ano ang iyong lupain? Sa anong bayan ka?” Kanyang sinabi sa kanila, “Ako'y isang Hebreo. Ako'y may takot sa PANGINOON, sa Diyos ng langit na gumawa ng dagat at ng tuyong lupain.” Nang magkagayo'y lubhang natakot ang mga tao, at sinabi sa kanya, “Ano itong iyong ginawa?” Sapagkat nalaman ng mga tao na siya'y tumatakas mula sa harapan ng PANGINOON, sapagkat sinabi niya sa kanila.
Basahin JONAS 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JONAS 1:4-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas