JOSUE 12
12
Mga Haring Tinalo ni Moises
1Ang#Bil. 21:21-35; Deut. 2:26–3:11 mga ito ang mga hari sa lupain na pinatay ng mga anak ni Israel, at inangkin ang kanilang lupain sa kabila ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw mula sa libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Hermon, at ang buong Araba na dakong silangan:
2si Sihon na hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon at namuno mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang gitna ng libis, at ang kalahati ng Gilead, hanggang sa ilog Jaboc na hangganan ng mga anak ni Ammon;
3at ang Araba hanggang sa dagat ng Cinerot patungong silangan, at sa dakong Bet-jesimot hanggang sa dagat ng Araba, sa Dagat na Alat, patungong timog sa paanan ng mga libis ng Pisga;
4at ang hangganan ni Og na hari sa Basan, sa nalabi sa mga Refaim na nakatira sa Astarot at sa Edrei,
5at namuno sa bundok ng Hermon, at sa Saleca, at sa buong Basan, hanggang sa hangganan ng mga Geshureo at ng mga Maacatita, at ng kalahati ng Gilead, na hangganan ni Sihon na hari sa Hesbon.
6Pinatay#Bil. 32:33; Deut. 3:12 sila ni Moises na lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel; at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pag-aari ng mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
Mga Haring Tinalo ni Josue
7Ang mga ito'y ang mga hari ng lupain na tinalo ni Josue at ng mga anak ni Israel sa kabila ng Jordan na dakong kanluran, mula sa Baal-gad na libis ng Lebanon hanggang sa bundok ng Halak, na paahon sa Seir (at ibinigay ni Josue na pag-aari sa mga lipi ng Israel ayon sa kanilang pagkakabaha-bahagi;
8sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Araba, at sa mga libis, at sa ilang, at sa Timog; ang lupain ng mga Heteo, ang Amoreo, at ang Cananeo, ang Perezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo);
9ang hari ng Jerico, isa; ang hari sa Ai na nasa tabi ng Bethel, isa;
10ang hari ng Jerusalem, isa; ang hari ng Hebron, isa;
11ang hari ng Jarmut, isa; ang hari ng Lakish, isa;
12ang hari ng Eglon, isa; ang hari ng Gezer, isa;
13ang hari ng Debir, isa; ang hari ng Geder, isa;
14ang hari ng Horma, isa; ang hari ng Arad, isa;
15ang hari ng Libna, isa; ang hari ng Adullam, isa;
16ang hari ng Makeda, isa; ang hari ng Bethel, isa;
17ang hari ng Tapua, isa; ang hari ng Hefer, isa;
18ang hari ng Afec, isa; ang hari ng Lasaron, isa;
19ang hari ng Madon, isa; ang hari ng Hazor, isa;
20ang hari ng Simron-meron, isa; ang hari ng Acsaf, isa;
21ang hari ng Taanac, isa; ang hari ng Megido, isa;
22ang hari ng Kedes, isa; ang hari ng Jokneam sa Carmel, isa;
23ang hari ng Dor sa kaitaasan ng Dor, isa; ang hari ng mga bansa sa Gilgal, isa;
24ang hari ng Tirsa, isa; lahat ng mga hari ay tatlumpu't isa.
Kasalukuyang Napili:
JOSUE 12: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: