Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOSUE 13

13
Mga Lupaing Dapat Pang Sakupin
1Si Josue ay matanda na at puspos ng mga taon. Sinabi ng Panginoon sa kanya, “Ikaw ay matanda na, puspos na ng mga taon, at may nalalabi pang maraming lupain na sasakupin.
2Ito ang mga lupaing nalalabi: ang lahat ng lupain ng mga Filisteo, at ang lahat ng sa mga Geshureo:
3mula sa Sihor na nasa silangan ng Ehipto, hanggang sa hangganan ng Ekron sa dakong hilaga na kabilang sa mga Cananeo: ang limang pinuno ng mga Filisteo, ang mga Gazeo, Asdodeo, Ascaloneo, Geteo, Acronneo, at ang mga Heveo,
4sa timog: ang lahat ng lupain ng mga Cananeo, at ang Mehara, na pag-aari ng mga Sidonio hanggang sa Afec, hanggang sa hangganan ng mga Amoreo;
5at ang lupain ng mga Gebalita at ang buong Lebanon, sa dakong sinisikatan ng araw, mula sa Baal-gad, sa ibaba ng bundok Hermon hanggang sa pasukan sa Hamat;
6ang#Bil. 33:54 lahat ng naninirahan sa lupaing maburol mula sa Lebanon hanggang sa Misrefot-maim, samakatuwid ay lahat ng mga Sidonio; sila'y aking itataboy mula sa harapan ng mga anak ni Israel: lamang ay ibabahagi mo sa Israel bilang pamana, gaya ng iniutos ko sa iyo.
7Kaya ngayon, hatiin mo ang lupaing ito bilang pamana sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi ni Manases.”
Ang Paghahati sa Lupaing nasa Silangan ng Jordan
8Kasama#Bil. 32:33; Deut. 3:12 nito, tinanggap ng mga Rubenita at ng mga Gadita ang kanilang mana na ibinigay sa kanila ni Moises, sa kabila ng Jordan na dakong silangan gaya ng ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon;
9mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ang buong kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon;
10at ang lahat ng lunsod ni Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghahari sa Hesbon hanggang sa hangganan ng mga anak ni Ammon;
11at ang Gilead, ang hangganan ng mga Geshureo at ng mga Maacatita at ang buong bundok ng Hermon, at ang buong Basan hanggang sa Saleca;
12ang buong kaharian ni Og sa Basan, na naghari sa Astarot at sa Edrei (siya lamang nalabi sa mga Refaim); ang mga ito ang nagapi at itinaboy ni Moises.
13Gayunma'y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Geshureo, ni ang mga Maacatita; kundi ang Geshur at ang Maacat ay nanirahan sa loob ng Israel hanggang sa araw na ito.
14Ang#Deut. 18:1 lipi lamang ni Levi ang hindi niya binigyan ng pamana; ang mga handog na pinaraan sa apoy sa Panginoong Diyos ng Israel ay kanilang pamana, gaya ng sinabi niya sa kanya.
Ang Ipinamana kay Ruben
15At nagbigay si Moises ng pamana sa lipi ng mga anak ni Ruben ayon sa kanilang mga angkan.
16Ang kanilang hangganan ay mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang lunsod na nasa gitna ng libis, at ang buong kapatagan sa tabi ng Medeba;
17ang Hesbon at ang lahat ng mga bayan nito na nasa kapatagan; ang Dibon at ang Bamot-baal, at ang Bet-baalmeon;
18ang Jahaz, Kedemot, at ang Mefaat;
19ang Kiryataim, Sibma, Zeret-shahar, sa burol ng libis;
20ang Bet-peor, ang mga libis ng Pisga, ang Bet-jesimoth;
21at ang lahat ng mga lunsod sa kapatagan at ang buong kaharian ni Sihon na hari ng mga Amoreo na naghari sa Hesbon, na ginapi ni Moises kasama ang mga pinuno sa Midian; sina Evi, Rekem, Zur, Hur, at si Reba, na mga pinuno ni Sihon, na nanirahan sa lupain.
22Maging si Balaam na anak ni Beor na manghuhula ay pinatay ng tabak ng mga anak ni Israel sa mga nalabi sa kanilang pinatay.
23Ang hangganan ng mga anak ni Ruben ay ang Jordan at ang hangganan nito. Ito ang pamana sa mga anak ni Ruben ayon sa kanilang mga angkan, ang mga lunsod at ang mga nayon.
Ang Ipinamana kay Gad
24Ibinigay ni Moises sa lipi ni Gad, sa mga anak ni Gad, ang ayon sa kanilang mga angkan.
25Ang kanilang hangganan ay ang Jazer, at ang lahat na lunsod ng Gilead, at ang kalahati ng lupain ng mga anak ni Ammon hanggang sa Aroer na nasa tapat ng Rabba;
26at mula sa Hesbon hanggang sa Ramat-mizpa, at sa Betonim; at mula sa Mahanaim hanggang sa nasasakupan ng Debir.
27At sa libis, ang Bet-haram, Bet-nimra, Sucot, Zafon, at ang nalabi sa kaharian ni Sihon na hari sa Hesbon, na ang Jordan ang hangganan nito, hanggang sa kadulu-duluhang bahagi ng dagat ng Cineret, sa kabila ng Jordan sa dakong silangan.
28Ito ang pamana sa mga anak ni Gad ayon sa kanilang mga angkan, ang mga lunsod at ang mga nayon.
Ang Ipinamana sa Kalahating Lipi ni Manases
29Si Moises ay nagbigay ng pamana sa kalahating lipi ni Manases: at ito ay ibinigay sa kalahating lipi ng mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan.
30Ang kanilang hangganan ay mula sa Mahanaim, ang buong Basan, ang buong kaharian ni Og na hari sa Basan at ang lahat ng mga lunsod ng Jair na nasa Basan, animnapung bayan.
31Ang kalahati ng Gilead at ang Astarot at ang Edrei, ang mga lunsod ng kaharian ni Og sa Basan, ay sa mga anak ni Makirita na anak ni Manases, samakatuwid ay sa kalahati ng mga anak ni Makirita ayon sa kanilang mga angkan.
32Ito ang mga pamana na ibinahagi ni Moises sa mga kapatagan ng Moab, sa kabila ng Jordan sa silangan ng Jerico.
33Ngunit#Bil. 18:20; Deut. 18:2 sa lipi ni Levi ay walang ibinigay na pamana si Moises; ang Panginoon na Diyos ng Israel ay kanilang pamana, gaya ng kanyang sinabi sa kanila.

Kasalukuyang Napili:

JOSUE 13: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in