MGA PANAGHOY 2
2
Ang Pagpaparusa ng Panginoon sa Jerusalem
1Tingnan mo kung paanong sa kanyang galit
ay tinakpan ng Panginoon ng ulap ang anak na babae ng Zion!
Kanyang inihagis sa lupa mula sa langit
ang karilagan ng Israel,
hindi niya inalala ang kanyang tuntungan ng paa
sa araw ng galit niya.
2Nilamon ng Panginoon, hindi siya nagpatawad
sa lahat ng tahanan ng Jacob.
Sa kanyang poot ay ibinagsak niya
ang mga muog ng anak na babae ng Juda;
kanyang inilugmok sa lupa na walang karangalan
ang kanyang kaharian at ang mga prinsipe nito.
3Kanyang pinutol sa matinding galit
ang lahat ng kapangyarihan ng Israel;
iniurong niya sa kanila ang kanyang kanang kamay
sa harapan ng kaaway;
siya'y nag-alab na gaya ng nag-aalab na apoy sa Jacob,
na tumutupok sa buong paligid.
4Iniakma niya ang kanyang pana na parang kaaway,
na ang kanyang kanang kamay ay nakaakma na parang kalaban,
at pinatay ang lahat ng kaaya-aya sa mata;
sa tolda ng anak na babae ng Zion;
ibinuhos niya ang kanyang matinding galit na parang apoy.
5Ang Panginoon ay naging parang kaaway,
kanyang nilamon ang Israel;
nilamon niya ang lahat nitong mga palasyo,
kanyang giniba ang mga muog nito.
At kanyang pinarami sa anak na babae ng Juda
ang panangis at panaghoy.
6Ginawan niya ng karahasan ang kanyang tabernakulo na gaya ng isang halamanan;
kanyang sinira ang kanyang takdang pulungang lugar;
ipinalimot ng Panginoon sa Zion
ang takdang kapistahan at Sabbath,
at sa kanyang matinding galit ay itinakuwil
ang hari at ang pari.
7Itinakuwil ng Panginoon ang kanyang dambana,
kanyang iniwan ang kanyang santuwaryo.
Kanyang ibinigay sa kamay ng kaaway
ang mga pader ng kanyang mga palasyo;
isang sigawan ang naganap sa bahay ng Panginoon,
na gaya nang sa araw ng takdang kapistahan.
8Ipinasiya ng Panginoon na gibain
ang pader ng anak na babae ng Zion;
tinandaan niya ito ng guhit,
hindi niya iniurong ang kanyang kamay sa paggiba:
kanyang pinapanaghoy ang muog at ang kuta;
sila'y sama-samang manghihina.
9Ang kanyang mga pintuan ay bumaon sa lupa;
kanyang giniba at sinira ang kanyang mga halang;
ang kanyang hari at mga prinsipe ay kasama ng mga bansa;
wala nang kautusan,
at ang kanyang mga propeta ay hindi na tumatanggap
ng pangitain mula sa Panginoon.
10Ang matatanda ng anak na babae ng Zion
ay tahimik na nakaupo sa lupa.
Sila'y nagsabog ng alabok sa kanilang mga ulo;
at nagsuot ng damit-sako;
itinungo ng mga dalaga sa Jerusalem
ang kanilang mga ulo sa lupa.
11Ang aking mga mata ay namumugto sa kaiiyak;
ang aking kaluluwa ay naguguluhan;
ang aking puso ay ibinuhos sa lupa
dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan,
sapagkat ang mga bata at mga pasusuhin ay nanghihina sa mga lansangan ng lunsod.
12Sila'y nag-iiyakan sa kanilang mga ina,
“Nasaan ang tinapay at alak?”
habang sila'y nanghihina na gaya ng taong sugatan
sa mga lansangan ng bayan,
habang ang kanilang buhay ay ibinubuhos
sa kandungan ng kanilang mga ina.
13Ano ang aking maipapangaral sa iyo? sa ano kita ihahambing,
O anak na babae ng Jerusalem?
Sa ano kita itutulad, upang kita'y maaliw?
O anak na dalaga ng Zion?
Sapagkat kasinlawak ng dagat ang iyong pagkagiba;
sinong makapagpapagaling sa iyo?
14Ang iyong mga propeta ay nakakita para sa iyo
ng mga huwad at mapandayang pangitain;
hindi nila inilitaw ang iyong kasamaan
upang ibalik ka mula sa pagkabihag,
kundi nakakita para sa iyo ng mga hulang
huwad at nakaliligaw.
15Lahat ng nagdaraan
ay ipinapalakpak ang kanilang kamay sa iyo;
sila'y nanunuya at iniiling ang kanilang ulo
sa anak na babae ng Jerusalem;
“Ito ba ang lunsod na tinatawag
na kasakdalan ng kagandahan,
ang kagalakan ng buong lupa?”
16Maluwang na ibinuka ng lahat mong mga kaaway ang kanilang bibig:
sila'y nanunuya at nagngangalit ang ngipin;
kanilang sinasabi, “Nilamon na namin siya!
Tunay na ito ang araw na aming hinihintay;
ngayo'y natamo na namin ito; nakita na namin.”
17Ginawa ng Panginoon ang kanyang ipinasiya;
na isinagawa ang kanyang banta
na kanyang iniutos nang una;
kanyang ibinagsak, at hindi naawa:
hinayaan niyang pagkatuwaan ka ng iyong mga kaaway,
at itinaas ang kapangyarihan ng iyong mga kalaban.
18Ang kanilang puso ay dumaraing sa Panginoon!
O pader ng anak na babae ng Zion!
Padaluyin mo ang mga luha na parang ilog
araw at gabi!
Huwag kang magpahinga;
huwag papagpahingahin ang iyong mga mata.
19Bumangon ka, sumigaw ka sa gabi,
sa pasimula ng mga pagbabantay!
Ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig
sa harapan ng mukha ng Panginoon!
Itaas mo ang iyong mga kamay sa kanya
dahil sa buhay ng iyong mga anak
na nanghihina sa gutom
sa dulo ng bawat lansangan.
20Tingnan mo, O Panginoon, at masdan mo!
Kanino mo ginawa ang ganito!
Kakainin ba ng mga babae ang kanilang anak,
ang mga batang ipinanganak na malusog?
Papatayin ba ang pari at propeta
sa santuwaryo ng Panginoon?
21Ang bata at ang matanda ay nakahiga
sa alabok ng mga lansangan.
Ang aking mga dalaga at mga binata
ay nabuwal sa pamamagitan ng tabak;
pinatay mo sila sa araw ng iyong galit;
pinatay mo nang walang awa.
22Nag-anyaya ka
na gaya ng sa araw ng takdang kapistahan,
ang aking mga kakilabutan ay nasa bawat panig;
at sa araw ng galit ng Panginoon
ay walang nakatakas o nakaligtas;
yaong aking mga kinalong at pinalaki ay nilipol ng aking kaaway.
Kasalukuyang Napili:
MGA PANAGHOY 2: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

:
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001