MGA PANAGHOY 5
5
Paghingi ng Awa
1Alalahanin mo, O Panginoon, kung ano ang nangyari sa amin.
Iyong masdan, at tingnan ang aming kahihiyan!
2Ang aming mana ay ibinigay sa mga dayuhan,
ang aming mga bahay ay sa mga taga-ibang bayan.
3Kami ay naging mga ulila at walang ama;
gaya ng mga balo ang aming mga ina.
4Dapat kaming magbayad sa tubig na aming iniinom,
dapat naming bilhin ang kinukuha naming kahoy.
5Ang mga humahabol sa amin ay nasa aming leeg;
kami ay pagod na, wala kaming kapahingahan.
6Sa mga taga-Ehipto, kami ay nakipagkamay,
at sa mga taga-Asiria upang makakuha ng sapat na tinapay.
7Ang aming mga ninuno ay nagkasala at wala na;
at kami ay nagpapasan ng mga kasamaan nila.
8Mga alipin ang namumuno sa amin,
walang magliligtas sa amin sa kanilang kamay.
9Nalalagay sa panganib ang aming buhay
upang makakuha ng tinapay, dahil sa tabak sa ilang.
10Ang aming balat ay kasing-init ng pugon,
dahil sa nagniningas na init ng taggutom.
11Ang mga babae sa Zion ay ginahasa nila,
ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.
12Ang mga pinuno ay ibinitin sa kamay nila,
hindi iginagalang ang matatanda.
13Ang mga binata ay pinagtrabaho sa gilingan,
at sa bigat ng kahoy ang mga bata ay nagpasuray-suray.
14Iniwan na ng matatanda ang pintuang-bayan,
at ng mga binata ang kanilang mga tugtugan.
15Ang kagalakan ng aming puso ay huminto na,
ang aming pagsasayaw ay napalitan ng pagluluksa.
16Nahulog mula sa aming ulo ang korona;
kahabag-habag kami, sapagkat kami'y nagkasala!
17Dahil dito ay nagkasakit ang aming puso,
dahil sa mga bagay na ito ang mga mata nami'y lumabo;
18dahil sa bundok ng Zion na nawasak,
ang mga asong-gubat ay pagala-gala roon.
19Ikaw, O Panginoon, magpakailanman ay naghahari,
ang iyong trono ay nananatili sa lahat ng salinlahi.
20Bakit mo kami nililimot magpakailanman,
bakit mo kami pinababayaan nang kaytagal?
21Ibalik mo kami sa iyo, O Panginoon, upang kami ay makapanumbalik!
Ibalik mo ang aming mga araw na gaya nang una.
22Talaga bang kami'y iyo nang itinakuwil?
Ikaw ba ay lubhang galit na galit sa amin?
Kasalukuyang Napili:
MGA PANAGHOY 5: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: