Nagsalita ang PANGINOON kay Moises, pagkamatay ng dalawang anak ni Aaron, nang sila'y lumapit sa harapan ng PANGINOON at namatay. Sinabi ng PANGINOON kay Moises: “Sabihin mo kay Aaron na iyong kapatid na huwag papasok nang wala sa panahon sa santuwaryo sa loob ng tabing, sa harapan ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban upang siya'y huwag mamatay, sapagkat ako'y magpapakita sa ulap sa ibabaw ng luklukan ng awa. Ganito papasok si Aaron sa loob ng dakong banal: may dalang isang guyang toro na handog pangkasalanan, at isang tupang lalaki na handog na sinusunog. Siya'y magsusuot ng banal na kasuotang lino, at ng lino bilang kasuotang panloob kasunod ng kanyang katawan, at magbibigkis ng pamigkis na lino, at magsusuot ng turbanteng lino; ito ang mga kasuotang banal. Paliliguan niya ang kanyang katawan sa tubig at pagkatapos ay isusuot niya ang mga iyon.
Basahin LEVITICO 16
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: LEVITICO 16:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas