Sinabi ni Maria, “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya ang abang kalagayan ng kanyang alipin. Sapagkat tiyak na mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Sapagkat siya na makapangyarihan ay gumawa para sa akin ng mga dakilang bagay at banal ang kanyang pangalan. Ang kanyang awa ay sa mga natatakot sa kanya sa lahat ng sali't-saling lahi. Siya'y nagpakita ng lakas sa pamamagitan ng kanyang bisig; pinagwatak-watak niya ang mga palalo sa mga haka ng kanilang puso. Ibinaba niya ang mga makapangyarihan sa kanilang mga trono, at itinaas ang mga may abang kalagayan. Ang mga gutom ay binusog niya ng mabubuting bagay, at ang mayayaman ay pinaalis niya na walang dalang anuman. Tinulungan niya ang Israel na kanyang alipin, bilang pag-alaala sa kanyang kahabagan. Tulad nang sinabi niya sa ating mga magulang, kay Abraham at sa kanyang binhi magpakailanman.”
Basahin LUCAS 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: LUCAS 1:46-55
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas