Dumating siya sa Nazaret na kanyang nilakhan. Siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng Sabbath, tulad ng kanyang nakaugalian at tumindig siya upang bumasa, at ibinigay sa kanya ang aklat ni propeta Isaias. Binuksan niya ang aklat, at natagpuan ang dako na kung saan ay nasusulat: “Ang Espiritu ng Panginoon ay nasa akin, sapagkat ako'y hinirang niya upang ipangaral ang magandang balita sa mga dukha. Ako'y sinugo niya upang ipahayag ang paglaya sa mga bihag, at ang muling pagkakaroon ng paningin sa mga bulag, upang palayain ang mga naaapi, upang ipahayag ang taon ng biyaya mula sa Panginoon.” Isinara niya ang aklat, isinauli ito sa tagapaglingkod at naupo. At ang mga mata ng lahat ng nasa sinagoga ay nakatutok sa kanya. At siya'y nagsimulang magsabi sa kanila, “Ngayo'y naganap ang kasulatang ito sa inyong pandinig.”
Basahin LUCAS 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: LUCAS 4:16-21
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas