Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MALAKIAS 1

1
Ang Pag-ibig ng Panginoon sa Jacob
1Ang pahayag ng salita ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Malakias.
2“Inibig#Ro. 9:13 #Isa. 34:5-17; 63:1-6; Jer. 49:7-22; Ez. 25:12-14; 35:1-5; Amos 1:11, 12; Oba. 1-14 ko kayo,” sabi ng Panginoon. Gayunma'y inyong sinasabi, “Paano mo kami inibig?” “Hindi ba si Esau ay kapatid ni Jacob?” sabi ng Panginoon. “Gayunma'y inibig ko si Jacob.
3Ngunit si Esau ay aking kinamuhian, at ginawa ko ang kanyang mga bundok na isang kasiraan at ibinigay ko ang kanyang mana sa mga asong palaboy sa ilang.”
4Kung sinasabi ng Edom, “Kami'y nawasak, ngunit muli naming itatayo ang mga guho,” ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: “Maaari silang magtayo ngunit aking ibabagsak hanggang sila'y tawaging masamang lupain, galit ang Panginoon sa bayang ito magpakailanman.”
5Makikita ng sarili ninyong mga mata, at inyong sasabihin, “Dakila ang Panginoon hanggang sa kabilang hangganan ng Israel.”
Pinangaralan ng Panginoon ang mga Pari
6“Iginagalang ng anak ang kanyang ama, at ng mga utusan ang kanilang amo. Kung ako nga'y isang ama, nasaan ang karangalang nararapat sa akin? At kung ako'y amo, nasaan ang paggalang na para sa akin? sinasabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo, O mga pari, na humahamak sa aking pangalan. Inyong sinasabi, ‘Paano namin hinamak ang iyong pangalan?’
7Kayo'y naghahandog ng maruming pagkain sa aking dambana. At inyong sinasabi, ‘Paano ka namin nilapastangan?’ Sa inyong sinasabing ang hapag ng Panginoon ay hamak.
8Kapag#Deut. 15:21 kayo'y naghahandog ng mga bulag na hayop bilang alay, di ba masama iyon? At kapag kayo'y naghahandog ng pilay at may sakit, hindi ba masama iyon? Subukan mong ihandog iyon sa iyong gobernador, masisiyahan kaya siya sa iyo o papakitaan ka kaya niya ng kabutihan? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
9‘Ngayo'y maaari bang inyong hingin ang kabutihan ng Diyos upang pagpalain niya tayo.’ May gayong kaloob sa inyong kamay, magpapakita kaya siya ng paglingap sa alinman sa inyo? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
10O mayroon sana sa inyong magsara ng mga pinto, upang hindi kayo makapagpaningas ng apoy sa aking dambana nang walang kabuluhan! Hindi ko kayo kinalulugdan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at hindi ako tatanggap ng handog mula sa inyong kamay.
11Sapagkat mula sa sikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyon, dakila ang aking pangalan sa mga bansa; at sa bawat dako ay paghahandugan ng kamanyang ang aking pangalan, at ng dalisay na handog; sapagkat ang aking pangalan ay dakila sa gitna ng mga bansa, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
12Ngunit inyong nilalapastangan iyon kapag inyong sinasabi na ang hapag ng Panginoon ay nadungisan, at bunga nito, ang pagkain niya ay hamak.
13Sinasabi rin ninyo, ‘Nakakasawa na ito,’ at inaamoy-amoy pa ninyo ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Dinadala ninyo ang nakuha sa dahas, ang pilay, at ang may sakit; at ito ang dinadala ninyo bilang handog! Tatanggapin ko ba ito mula sa inyong kamay? sabi ng Panginoon.
14Ngunit sumpain ang mandaraya na mayroon sa kanyang kawan na isang lalaki, at ipinangako ito, gayunma'y naghahain ng hayop na may kapintasan sa Panginoon; sapagkat ako'y dakilang Hari, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ang aking pangalan ay kinatatakutan ng mga bansa.

Kasalukuyang Napili:

MALAKIAS 1: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in