Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 11:1-6

MATEO 11:1-6 ABTAG01

Nang matapos pagbilinan ni Jesus ang kanyang labindalawang alagad, umalis siya roon upang magturo at mangaral sa mga bayan nila. Nang marinig ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ng Cristo, nagpasabi siya sa pamamagitan ng kanyang mga alagad, at sinabi sa kanya, “Ikaw ba iyong darating o maghihintay kami ng iba?” Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Humayo kayo at sabihin ninyo kay Juan ang inyong naririnig at nakikita: Ang mga bulag ay nakakakita, ang mga pilay ay nakakalakad, ang mga ketongin ay nalilinis, ang mga bingi ay nakakarinig, at ang mga patay ay muling binubuhay at ipinangangaral sa mga dukha ang magandang balita. Mapalad ang sinumang hindi natitisod sa akin.”