Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 21:42-46

MATEO 21:42-46 ABTAG01

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ba ninyo kailanman nabasa sa mga kasulatan, ‘Ang batong itinakuwil ng mga tagapagtayo ang siyang naging ulo ng panulukan; ito ay mula sa Panginoon, at ito'y kamanghamangha sa ating mga mata?’ Kaya sinasabi ko sa inyo, ‘Kukunin sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bansang nagbibigay ng bunga nito.’ [Ang mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog, subalit dudurugin nito ang sinumang mabagsakan niya.]” Nang marinig ng mga punong pari at ng mga Fariseo ang kanyang mga talinghaga, nahalata nilang siya'y nagsasalita tungkol sa kanila. Ngunit nang naisin nilang dakpin si Jesus, ay natakot sila sa napakaraming tao, sapagkat itinuring nila na siya'y isang propeta.