Ngunit nang marinig ng mga Fariseo na napatahimik ni Jesus ang mga Saduceo, ay nagtipon sila. At isa sa kanila, na tagapagtanggol ng kautusan, ay nagtanong sa kanya upang siya'y subukin. “Guro, alin ba ang dakilang utos sa kautusan?” At sinabi sa kanya, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo.’ Ito ang dakila at unang utos.’ At ang pangalawa ay katulad nito, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.’ Sa dalawang utos na ito nakasalig ang buong kautusan at ang mga propeta.” Habang nagkakatipon ang mga Fariseo ay tinanong sila ni Jesus, na sinasabi, “Ano ang palagay ninyo tungkol sa Cristo? Kaninong anak siya?” Sinabi nila sa kanya, “Kay David.” Sinabi niya sa kanila, “Kung gayo'y bakit si David nang nasa Espiritu ay tumatawag sa kanya ng Panginoon, na nagsasabi, ‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, “Maupo ka sa aking kanan, hanggang sa mailagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa”’? Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y naging kanyang anak?” Walang nakasagot sa kanya kahit isang salita, at wala na ring sinumang nangahas pang magtanong sa kanya ng anuman buhat sa araw na iyon.
Basahin MATEO 22
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MATEO 22:34-46
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas