Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 3:1-9

MATEO 3:1-9 ABTAG01

Nang mga araw na iyon ay dumating si Juan na Tagapagbautismo na nangangaral sa ilang ng Judea, na nagsasabi, “Magsisi kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit.” Sapagkat siya ang tinutukoy sa pamamagitan ni propeta Isaias, nang kanyang sabihin, “Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas.’” Si Juan ay nagsusuot ng damit na yari sa balahibo ng kamelyo at ng isang pamigkis na balat sa kanyang baywang. Ang kanyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan. Pumunta sa kanya ang mga mamamayan ng Jerusalem, ang buong Judea, at ang buong lupain sa paligid ng Jordan. At sila'y kanyang binautismuhan sa ilog ng Jordan, na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan. Ngunit nang makita niyang marami sa mga Fariseo at Saduceo ang nagdatingan upang magpabautismo, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang nagbabala sa inyo upang makatakas sa poot na darating? Mamunga kayo nang nararapat sa pagsisisi. At huwag ninyong sabihin sa inyong sarili, ‘Si Abraham ang aming ama’; sapagkat sinasabi ko sa inyo, na kaya ng Diyos na gumawa ng mga anak ni Abraham mula sa mga batong ito.