At kanilang tinipon ang buong kapulungan nang unang araw ng ikalawang buwan, na nagpatala ayon sa kani-kanilang angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at sa bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, bawat isa,
ayon sa iniutos ng PANGINOON kay Moises. Gayon niya binilang sila sa ilang ng Sinai.
At ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at sa bilang ng mga pangalan, bawat isa, bawat lalaki mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
ang bilang ng lipi ni Ruben ay apatnapu't anim na libo at limang daan.
Sa mga anak ni Simeon, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno ay nabilang sa kanila, ayon sa bilang ng mga pangalan, ayon sa dami nila, bawat lalaki mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
ang bilang ng lipi ni Simeon ay limampu't siyam na libo at tatlong daan.
Sa mga anak ni Gad, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, na mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
ang bilang ng lipi ni Gad ay apatnapu't limang libo at animnaraan at limampu.
Sa mga anak ni Juda, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
ang bilang ng lipi ni Juda, ay pitumpu't apat na libo at animnaraan.
Sa mga anak ni Isacar, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
ang bilang ng lipi ni Isacar ay limampu't apat na libo at apatnaraan.
Sa mga anak ni Zebulon, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
ang bilang ng lipi ni Zebulon ay limampu't pitong libo at apatnaraan.
Sa mga anak ni Jose, na sa mga anak ni Efraim, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
ang bilang ng lipi ni Efraim ay apatnapung libo at limang daan.
Sa mga anak ni Manases, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
ang bilang ng lipi ni Manases ay tatlumpu't dalawang libo at dalawandaan.
Sa mga anak ni Benjamin, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
ang bilang ng lipi ni Benjamin ay tatlumpu't limang libo at apatnaraan.
Sa mga anak ni Dan, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
ang bilang ng lipi ni Dan ay animnapu't dalawang libo at pitong daan.
Sa mga anak ni Aser, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
ang bilang ng lipi ni Aser ay apatnapu't isang libo at limang daan.
Sa mga anak ni Neftali, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:
ang bilang ng lipi ni Neftali ay limampu't tatlong libo at apatnaraan.
Ito ang mga nabilang na binilang nina Moises at Aaron at ng labindalawang lalaki na mga pinuno ng Israel; bawat isa sa kanila'y kumakatawan sa sambahayan ng kanya-kanyang mga ninuno.
Kaya't lahat ng nabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan mula sa Israel,
lahat ng nabilang ay animnaraan at tatlong libo limang daan at limampu.
Subalit ang mga Levita ay hindi binilang na kasama ayon sa lipi ng kanilang mga ninuno.
Sapagkat sinabi ng PANGINOON kay Moises,
“Ang lipi lamang ni Levi ang hindi mo bibilangin, ni hindi mo kukunin ang bilang nila sa mga anak ni Israel;
kundi itatalaga mo ang mga Levita sa tolda ng patotoo, at sa lahat ng kasangkapan niyon, at sa lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tolda, at ang lahat ng kasangkapan niyon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y magkakampo sa palibot ng tolda.
Kapag ililipat ang tolda, tatanggalin ito ng mga Levita at kapag itatayo ang tolda ay itatayo ng mga Levita at ang sinumang ibang lumapit ay papatayin.
Ang ibang mga Israelita ay magtatayo ng kanilang mga tolda, ayon sa kani-kanilang pangkat.
Subalit ang mga Levita ay magkakampo sa palibot ng tolda ng patotoo, upang huwag magkaroon ng poot sa sambayanan ng mga anak ni Israel. Ang mga Levita ang mangangasiwa ng tolda ng patotoo.”
Gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa lahat na iniutos ng PANGINOON kay Moises.