Kalakasan at dangal ang kanyang kasuotan, at ang panahong darating ay kanyang tinatawanan. Binubuka niya ang kanyang bibig na may karunungan; at nasa kanyang dila ang aral ng kabaitan. Kanyang tinitingnang mabuti ang mga lakad ng kanyang sambahayan, at hindi siya kumakain ng tinapay ng katamaran. Tumatayo ang kanyang mga anak, at tinatawag siyang mapalad; gayundin ang kanyang asawa, at kanyang pinupuri siya: “Maraming anak na babae ang nakagawa ng kabutihan, ngunit silang lahat ay iyong nahigitan.”
Basahin MGA KAWIKAAN 31
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 31:25-29
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas