Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 136

136
1O#1 Cro. 16:34; 2 Cro. 5:13; 7:3; Ezra 3:11; Awit 100:5; 106:1; 107:1; 118:1; Jer. 33:11 magpasalamat kayo sa Panginoon; sapagkat siya'y mabuti;
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.
2O magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.
3Ang Panginoon ng mga panginoon ay inyong pasalamatan,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
4siya na tanging gumagawa ng mga dakilang kababalaghan,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
5siya#Gen. 1:1 na sa pamamagitan ng unawa ay ginawa ang kalangitan,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
6siya#Gen. 1:2 na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
7siya#Gen. 1:16 na gumawa ng mga dakilang tanglaw,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
8ng araw upang ang araw ay pagharian,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
9ng buwan at mga bituin upang ang gabi'y pamunuan,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
10siya#Exo. 12:29 na sa mga panganay sa Ehipto ay pumaslang,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
11at#Exo. 12:51 mula sa kanila, ang Israel ay inilabas,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
12sa pamamagitan ng malakas na kamay at ng unat na bisig,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
13siya#Exo. 14:21-29 na sa Dagat na Pula ay humawi,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
14at sa gitna nito ang Israel ay pinaraan,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
15ngunit nilunod si Faraon at ang kanyang hukbo sa Pulang Dagat,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
16siya na pumatnubay sa kanyang bayan sa ilang,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
17siya na sa mga dakilang hari ay pumatay,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman,
18at sa mga bantog na hari ay pumaslang,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
19kay#Bil. 21:21-30 Sihon na hari ng mga Amorita,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
20at#Bil. 21:31-35 kay Og na hari ng Basan,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
21at ang kanilang lupain bilang pamana'y ibinigay,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
22isang pamana sa Israel na kanyang tauhan,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.
23Siya ang nakaalala sa atin sa ating mababang kalagayan,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
24at iniligtas tayo sa ating mga kaaway,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
25siya na nagbibigay ng pagkain sa lahat ng laman,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.
26O magpasalamat kayo sa Diyos ng kalangitan,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 136: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in