Ako'y nagpapasalamat sa iyo, O PANGINOON, ng aking buong puso; sa harapan ng mga diyos ay aawit ako ng mga papuri sa iyo. Ako'y yuyukod paharap sa iyong banal na templo, at magpapasalamat sa iyong pangalan dahil sa iyong tapat na pag-ibig at katapatan, sapagkat iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan. Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako, iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa. Lahat ng mga hari sa lupa ay magpupuri sa iyo, O PANGINOON, sapagkat kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig; at sila'y magsisiawit tungkol sa mga pamamaraan ng PANGINOON; sapagkat dakila ang kaluwalhatian ng PANGINOON. Bagaman ang PANGINOON ay mataas, kanyang pinapahalagahan ang mababa; ngunit ang palalo ay nakikilala niya mula sa malayo. Bagaman ako'y lumalakad sa gitna ng kaguluhan, ako'y iyong muling bubuhayin, iyong iniuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway, at ililigtas ako ng iyong kanang kamay. Tutuparin ng PANGINOON ang kanyang layunin para sa akin; ang iyong tapat na pag-ibig, O PANGINOON, ay magpakailanman. Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong mga kamay.
Basahin MGA AWIT 138
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 138:1-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas