Kapag ang aking espiritu'y nanlulupaypay sa loob ko, ang aking landas ay iyong nalalaman! Sa daan na aking tinatahak sila'y nagkubli para sa akin ng isang bitag. Tumingin ka sa kanan, at iyong masdan, walang nakakapansin sa aking sinuman; walang kanlungang nalalabi para sa akin; walang sinumang lumilingap sa aking kaluluwa. Ako'y dumaing sa iyo, O PANGINOON; aking sinabi, “Ikaw ang aking kanlungan, ang aking bahagi sa lupain ng mga buháy.” Pakinggan mo ang aking pagsamo, sapagkat ako'y dinalang napakababa.
Basahin MGA AWIT 142
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 142:3-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas