Nang ako ay halos wala nang pag-asa, ang dapat kong gawi'y nalalaman niya. Sa landas na aking pinagdaraanan, may handang patibong ang aking kaaway. Sa aking paligid, nang ako'y lumingon, wala ni isa man akong makatulong; wala kahit isa na magsasanggalang, ni magmalasakit na kahit sinuman. Ako ay humibik, kay Yahweh dumaing, sa Tagapagligtas, ako'y dumalangin; tunay na ikaw lang mahalaga sa akin. Dinggin ang hibik ko, ako ay tulungan, pagkat halos ako'y di makagulapay; iligtas mo ako sa mga kaaway, na mas malalakas ang mga katawan.
Basahin Mga Awit 142
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 142:3-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas