Lumalang ka sa akin ng isang malinis na puso, O Diyos; at muli mong baguhin ang matuwid na espiritu sa loob ko. Sa iyong harapan ay huwag mo akong paalisin, at ang iyong banal na Espiritu sa akin ay huwag mong bawiin. Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas, at alalayan ako na may espiritung nagnanais. Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga sumusuway ang mga lakad mo; at ang mga makasalanan ay manunumbalik sa iyo. Iligtas mo ako, O Diyos, mula sa salang pagdanak ng dugo, ikaw na Diyos ng aking kaligtasan; at ang aking dila ay aawit nang malakas tungkol sa iyong katuwiran. O Panginoon, buksan mo ang mga labi ko, at ang aking bibig ay magpapahayag ng papuri sa iyo. Sapagkat sa alay ay hindi ka nalulugod; kung hindi ay bibigyan kita, hindi ka nalulugod sa handog na sinusunog. Ang mga hain sa Diyos ay bagbag na diwa, isang bagbag at nagsisising puso, O Diyos, ay hindi mo hahamakin.
Basahin MGA AWIT 51
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MGA AWIT 51:10-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas