Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 78

78
Maskil ni Asaf.
1O bayan ko, sa aking turo ay makinig;
ikiling ninyo ang inyong mga tainga sa mga salita ng aking bibig.
2Aking#Mt. 13:35 bubuksan ang aking bibig sa isang talinghaga;
ako'y magsasalita ng malalabong pananalita mula pa noong una,
3mga bagay na aming narinig at nalaman,
na sinabi sa amin ng aming mga magulang.
4Ang mga iyon sa kanilang mga anak ay hindi namin ikukubli,
kundi sasabihin sa darating na salinlahi,
ang maluluwalhating gawa ng Panginoon, at ang kanyang kalakasan,
at ang kanyang mga kahanga-hangang gawa na kanyang ginawa.
5Sa Jacob siya'y nagtatag ng patotoo,
at sa Israel ay nagtalaga ng kautusan,
na kanyang iniutos sa aming mga magulang,
upang sa kanilang mga anak ay kanilang ituro naman;
6upang malaman ang mga iyon ng susunod na salinlahi,
ng mga batang di pa ipinapanganak,
na magsisibangon at sasabihin ang mga iyon sa kanilang mga anak,
7upang kanilang ilagak ang kanilang pag-asa sa Diyos,
at hindi malimutan ang mga gawa ng Diyos,
kundi ingatan ang kanyang mga utos;
8upang huwag silang maging gaya ng kanilang mga ninuno,
isang matigas ang ulo at salinlahing mapanghimagsik,
isang salinlahing ang puso ay di ginawang matuwid,
at ang kanilang diwa ay di-tapat sa Diyos.
9Ang mga anak ni Efraim ay mga mamamana, na may sandatang pana,
ay nagsitalikod sa araw ng pakikidigma.
10Ang tipan ng Diyos ay hindi nila iningatan,
kundi tumangging lumakad ayon sa kanyang kautusan.
11Kanilang nalimutan ang mga nagawa niya,
at ang mga himalang ipinakita niya sa kanila.
12Sa#Exo. 7:8–12:32 paningin ng kanilang mga magulang ay gumawa siya ng mga kababalaghan,
sa lupain ng Ehipto, sa kaparangan ng Zoan.
13Hinawi#Exo. 14:21, 22 niya ang dagat at pinaraan niya sila roon,
at kanyang pinatayo ang tubig na parang isang bunton.
14Sa#Exo. 13:21, 22 araw ay pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng ulap,
at sa buong gabi ay sa pamamagitan ng apoy na nagliliyab.
15Kanyang#Exo. 17:1-7; Bil. 20:2-13 biniyak ang mga bato sa ilang,
at pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
16Nagpabukal siya ng mga batis mula sa bato,
at nagpaagos ng tubig na parang mga ilog.
17Gayunma'y lalo pa silang nagkasala laban sa kanya,
na naghihimagsik laban sa Kataas-taasan sa ilang.
18At#Exo. 16:2-15; Bil. 11:4-23, 31-35 kanilang sinubok ang Diyos sa puso nila,
sa paghingi ng pagkain na kanilang pinakananasa.
19Sila'y nagsalita laban sa Diyos, na nagsasabi,
“Makakapaghanda ba ang Diyos ng hapag sa ilang?
20Upang tubig ay dumaloy ang bato'y kanyang hinataw,
at ang mga bukal ay umapaw.
Makapagbibigay rin ba siya ng tinapay,
o makapagdudulot ng karne sa kanyang bayan?”
21Kaya't nang marinig ng Panginoon, siya'y napuno ng poot,
isang apoy ang nag-alab laban sa Jacob,
ang kanyang galit naman ay lumaki laban sa Israel;
22sapagkat sa Diyos sila'y hindi nanampalataya,
at sa kanyang kaligtasan sila'y hindi nagtiwala.
23Gayunma'y ang langit sa itaas ay kanyang inutusan,
at ang mga pintuan ng langit ay kanyang binuksan;
24at#Jn. 6:31 kanyang pinaulanan sila ng manna na makakain,
at binigyan sila ng butil ng langit.
25Kumain ang tao ng tinapay ng mga anghel;
kanyang pinadalhan sila ng saganang pagkain.
26Pinahihip niya ang hanging silangan sa kalangitan,
at sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, pinarating niya ang hanging timugan.
27Kanyang pinaulanan sila ng karne na parang alabok,
ng mga ibong may pakpak na parang buhangin sa mga dagat;
28pinalagpak niya ang mga iyon sa gitna ng kanilang kampo,
sa palibot ng kanilang mga tinitirhan.
29At sila'y kumain at nabusog na mainam,
sapagkat ibinigay niya sa kanila ang kanilang kinasasabikan.
30Ngunit bago nabigyang kasiyahan ang kanilang pananabik,
samantalang ang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
31ang galit ng Diyos ay nag-alab laban sa kanila,
at pinatay niya ang pinakamalakas sa kanila,
at sinaktan ang mga piling lalaki ng Israel.
32Sa kabila ng lahat ng ito ay patuloy pa rin silang nagkasala;
sa kabila ng kanyang mga kababalaghan ay hindi sila sumampalataya.
33Kaya't kanyang winakasan ang kanilang mga araw sa walang kabuluhan,
at ang kanilang mga taon sa biglang kakilabutan.
34Nang kanyang pagpapatayin sila, siya'y kanilang hinanap;
sila'y nagsisi at hinanap ang Diyos nang masikap.
35Kanilang naalala na ang kanilang malaking bato ay ang Diyos,
ang Kataas-taasang Diyos ang kanilang manunubos.
36Ngunit kanilang tinuya siya ng bibig nila,
nagsinungaling sila sa kanya sa pamamagitan ng kanilang mga dila.
37Sapagkat#Gw. 8:21 ang puso nila ay hindi tapat sa kanya,
ni naging tapat man sila sa tipan niya.
38Gayunman siya, palibhasa'y mahabagin,
pinatawad niya ang kanilang kasamaan
at hindi sila nilipol;
madalas na pinipigil niya ang kanyang galit,
at hindi pinupukaw ang lahat niyang poot.
39Kanyang naalala na sila'y laman lamang;
isang dumaraang hangin at hindi na muling babalik.
40Kaydalas na naghimagsik sila laban sa kanya sa ilang,
at sa disyerto siya'y kanilang pinagdamdam.
41Ang Diyos ay tinukso nilang paulit-ulit,
at ang Banal ng Israel ay kanilang ginalit.
42Hindi nila inalaala ang kanyang kapangyarihan,
ni ang araw nang kanyang tubusin sila mula sa kalaban;
43nang gawin niya sa Ehipto ang kanyang palatandaan,
at ang kanyang mga kababalaghan sa kaparangan ng Zoan.
44Ginawa#Exo. 7:17-21 niyang dugo ang mga ilog nila,
upang hindi sila makainom sa kanilang mga sapa.
45Kanyang#Exo. 8:20-24; Exo. 8:1-6 pinadalhan sila ng mga pulutong ng mga bangaw, na lumamon sa kanila;
at ng mga palaka, na sa kanila'y pumuksa.
46Ibinigay#Exo. 10:12-15 niya sa higad ang kanilang mga halaman,
at ang bunga ng kanilang paggawa sa balang.
47Sinira#Exo. 9:22-25 niya ang kanilang ubasan ng ulang yelo,
at ng namuong hamog ang kanilang mga sikomoro.
48Ibinigay niya sa yelong-ulan ang kanilang mga hayop,
at ang kanilang mga kawan sa mga kidlat at kulog.
49Sa kanila'y pinakawalan niya ang bangis ng kanyang galit,
poot, bagsik, at ligalig,
isang pulutong ng mga pumupuksang anghel.
50Para sa kanyang galit gumagawa siya ng daraanan;
ang kanilang kaluluwa ay hindi niya iniligtas sa kamatayan,
kundi ibinigay sa salot ang kanilang buhay.
51Ang#Exo. 12:29 lahat ng panganay sa Ehipto ay kanyang pinatay,
ang unang labas ng kanilang lakas sa mga tolda ni Ham.
52Pagkatapos#Exo. 13:17-22 ay inakay niya na parang mga tupa ang kanyang bayan,
at pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
53At#Exo. 14:26-28 kanyang tiwasay na inakay sila, kaya't hindi sila nasindak;
ngunit ang kanilang mga kaaway ay tinabunan ng dagat.
54At#Exo. 15:17; Jos. 3:14-17 kanyang dinala sila sa kanyang lupaing banal,
sa bundok na pinagtagumpayan ng kanyang kanang kamay.
55Pinalayas#Jos. 11:16-23 niya ang mga bansa sa kanilang harapan,
at sa pamamagitan ng pising panulat pinagbaha-bahagi niya ang mga ito bilang pamana,
at ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda'y pinatahanan.
56Gayunma'y#Huk. 2:11-15 kanilang sinubukan at naghimagsik sila sa Diyos na Kataas-taasan,
at ang kanyang mga patotoo ay hindi iningatan;
57kundi tumalikod at gumawang may kataksilan na gaya ng kanilang mga magulang;
sila'y bumaluktot na gaya ng mandarayang pana.
58Sapagkat kanilang ginalit siya sa pamamagitan ng kanilang matataas na dako,
kanilang pinapanibugho siya sa pamamagitan ng kanilang mga larawang nililok.
59Nang marinig ito ng Diyos, sa poot siya ay napuspos,
at ang Israel ay kinayamutang lubos.
60Kanyang#Jos. 18:1; Jer. 7:12-14; 26:6 pinabayaan ang kanyang tahanan sa Shilo,
ang tolda na kanyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61at#1 Sam. 4:4-22 ibinigay sa pagkabihag ang kanyang kalakasan,
ang kanyang kaluwalhatian sa kamay ng kaaway.
62Ibinigay niya ang kanyang bayan sa espada,
at ibinulalas ang kanyang poot sa kanyang mana.
63Nilamon ng apoy ang kanilang kabinataan,
at ang mga dalaga nila'y walang awit ng kasalan.
64Ang kanilang mga pari ay ibinuwal ng tabak;
at ang mga balo nila'y hindi makaiyak.
65Nang magkagayon ang Panginoon sa pagtulog ay gumising,
gaya ng malakas na tao na sumisigaw dahil sa pagkalasing.
66At sinaktan niya sa likod ang kanyang mga kaaway;
sa walang hanggang kahihiyan, kanya silang inilagay.
67Ang tolda ni Jose ay kanyang itinakuwil,
hindi niya pinili ang lipi ni Efraim;
68kundi ang lipi ni Juda ang kanyang pinili,
ang bundok ng Zion na kanyang minamahal.
69Itinayo niya ang kanyang santuwaryo na gaya ng mga kataasan,
gaya ng lupa na kanyang itinatag magpakailanman.
70Pinili#1 Sam. 16:11, 12; 2 Sam. 7:8; 1 Cro. 17:7 niya si David na lingkod niya,
at kanyang kinuha siya mula sa kulungan ng mga tupa.
71Mula sa pag-aalaga ng mga pasusuhing tupa siya ay kanyang dinala,
upang maging pastol ng Jacob na bayan niya,
ng Israel na kanyang pamana.
72Kaya't siya'y nagpastol sa kanila ayon sa katapatan ng kanyang puso,
at kanyang pinatnubayan sila ng sanay na mga kamay.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 78: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in