Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

APOCALIPSIS 12

12
Ang Babae at ang Dragon
1At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nakadamit ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kanyang mga paa, at sa kanyang ulo ay may isang putong ng labindalawang bituin;
2siya'y nagdadalang-tao at sumisigaw sa hirap sa panganganak at sa sakit ng pagluluwal.
3At#Dan. 7:7 may isa pang tanda na nakita sa langit: isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay, at sa kanyang mga ulo'y may pitong diadema.
4Kinaladkad#Dan. 8:10 ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga ito sa lupa. At tumayo ang dragon sa harapan ng babae na malapit nang manganak, upang lamunin ang anak ng babae pagkapanganak niya.
5At#Isa. 66:7; Awit 2:9 siya'y nanganak ng isang batang lalaki na siyang magpapastol na may pamalong bakal sa lahat ng mga bansa. Ngunit ang kanyang anak ay inagaw at dinala sa Diyos at sa kanyang trono.
6Tumakas ang babae sa ilang, at doon ay ipinaghanda siya ng Diyos ng isang lugar, upang doon siya'y alagaan nila ng isang libo dalawang daan at animnapung araw.
7At#Dan. 10:13, 21; 12:1; Jud. 9 nagkaroon ng digmaan sa langit, si Miguel at ang kanyang mga anghel ay nakipagdigma sa dragon. Ang dragon at ang kanyang mga anghel ay nakipagdigma,
8ngunit hindi sila nagwagi, ni wala ng lugar para sa kanila sa langit.
9At#Gen. 3:1; Lu. 10:18 itinapon ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, ang mandaraya sa buong sanlibutan; siya'y itinapon sa lupa at ang kanyang mga anghel ay itinapong kasama niya.
10At#Job 1:9-11; Zac. 3:1 narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit na nagsasabi,
“Ngayo'y dumating ang kaligtasan at ang kapangyarihan,
at ang kaharian ng ating Diyos,
at ang kapangyarihan ng kanyang Cristo,
sapagkat itinapon na ang tagapag-paratang sa ating mga kapatid
na siyang nagpaparatang sa kanila sa harapan ng ating Diyos, araw at gabi.
11At siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Kordero,
at dahil sa salita ng kanilang patotoo,
sapagkat hindi nila inibig ang kanilang buhay maging hanggang sa kamatayan.
12Kaya't magalak kayo, O mga langit
at kayong mga naninirahan diyan!
Kahabag-habag ang lupa at dagat
sapagkat ang diyablo'y bumaba sa inyo
na may malaking poot,
palibhasa'y alam niya na maikli na lamang ang kanyang panahon!”
13Nang makita ng dragon na siya'y itinapon sa lupa, inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalaki.
14Ngunit#Dan. 7:25; 12:7 ang babae'y binigyan ng dalawang pakpak ng malaking agila upang makalipad siya mula sa harap ng ahas patungo sa ilang hanggang sa kanyang lugar, na pinaalagaan sa kanya ng isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon.
15At ang ahas ay nagbuga mula sa kanyang bibig ng tubig sa babae na gaya ng isang ilog upang tangayin siya ng agos.
16Ngunit ang babae ay tinulungan ng lupa at ibinuka nito ang kanyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon mula sa kanyang bibig.
17Nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang digmain ang nalabi sa binhi ng babae, ang mga tumutupad sa mga utos ng Diyos at ang mga may patotoo ni Jesus.
18At tumayo ang dragon#12:18 Sa Griyego ay siya. sa buhanginan ng dagat.

Kasalukuyang Napili:

APOCALIPSIS 12: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in