APOCALIPSIS 16
16
Ang mga Mangkok ng Poot ng Diyos
1At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa templo, na nagsasabi sa pitong anghel, “Humayo kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang pitong mangkok ng poot ng Diyos.”
2Kaya't#Exo. 9:10 humayo ang una at ibinuhos ang kanyang mangkok sa lupa; at nagkaroon ng nakakapandiri at masamang sugat ang mga taong may tanda ng halimaw, at ang mga sumamba sa larawan nito.
3Ibinuhos naman ng ikalawa ang kanyang mangkok sa dagat at ito'y naging parang dugo ng isang taong patay; at bawat may buhay na nasa dagat ay namatay.
4Ibinuhos#Exo. 7:17-21; Awit 78:44 ng ikatlo ang kanyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; at naging dugo ang mga ito.
5At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi,
“Matuwid ka, ikaw na siyang ngayon at ang nakaraan, O Banal,
sapagkat hinatulan mo ang mga bagay na ito,
6sapagkat pinadanak nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta,
at pinainom mo sila ng dugo.
Ito'y karapat-dapat sa kanila!”
7At narinig ko ang dambana na nagsasabi,
“Opo, Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
tunay at matuwid ang iyong mga hatol!”
8At ibinuhos ng ikaapat ang kanyang mangkok sa araw at pinahintulutan itong pasuin ng apoy ang mga tao.
9At napaso ang mga tao sa matinding init, ngunit kanilang nilait ang pangalan ng Diyos na may kapangyarihan sa mga salot na ito; at hindi sila nagsisi upang siya'y luwalhatiin.
10Ibinuhos#Exo. 10:21 naman ng ikalima ang kanyang mangkok sa trono ng halimaw, at nagdilim ang kanyang kaharian. Kinagat ng mga tao ang kanilang mga dila dahil sa hirap,
11at nilait nila ang Diyos ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nagsisi sa kanilang mga gawa.
12Ibinuhos#Isa. 11:15 ng ikaanim ang kanyang mangkok sa malaking ilog na Eufrates at natuyo ang tubig nito, upang ihanda ang daraanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.
13At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon at mula sa bibig ng halimaw at mula sa bibig ng bulaang propeta ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka.
14Sila'y mga espiritu ng mga demonyo na gumagawa ng mga tanda; pumupunta sa mga hari ng buong daigdig, upang tipunin sila sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
15(“Masdan#Mt. 24:43, 44; Lu. 12:39, 40; Apoc. 3:3 ninyo, ako'y dumarating na gaya ng magnanakaw. Mapalad ang nananatiling gising at nakadamit,#16:15 Sa Griyego ay nag-iingat sa kanyang mga damit. upang siya'y hindi lumakad na hubad at makita ang kanyang kahihiyan.”)
16At#2 Ha. 23:29; Zac. 12:11 sila'y tinipon nila sa lugar na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.
17Ibinuhos ng ikapitong anghel ang kanyang mangkok sa himpapawid at lumabas sa templo ang isang malakas na tinig, mula sa trono na nagsasabi, “Naganap na!”
18At#Apoc. 8:5; 11:13, 19 nagkaroon ng mga kidlat, mga tinig, mga kulog, at malakas na lindol, na hindi pa nangyari kailanman mula nang magkaroon ng tao sa lupa, isang napakalakas na lindol.
19Ang#Isa. 51:17 dakilang lunsod ay nahati sa tatlo, at ang mga lunsod ng mga bansa ay bumagsak. Naalala ng Diyos ang dakilang Babilonia at binigyan niya ito ng kopa ng alak ng kabagsikan ng kanyang poot.
20At#Apoc. 6:14 tumakas ang bawat pulo at walang mga bundok na matagpuan.
21At#Exo. 9:23; Apoc. 11:19 bumagsak sa mga tao ang ulan ng malalaking yelo na ang bigat ay halos isandaang libra#16:21 Sa Griyego ay isang talento. buhat sa langit, at nilait ng mga tao ang Diyos dahil sa salot na ulan ng yelo, sapagkat ang salot na ito ay lubhang nakakatakot.
Kasalukuyang Napili:
APOCALIPSIS 16: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001