APOCALIPSIS 18
18
Ang Pagbagsak ng Babilonia
1Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang isa pang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapangyarihan; at ang lupa ay naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian.
2At#Isa. 21:9; Jer. 51:8; Apoc. 14:8; Isa. 13:21; Jer. 50:39 siya'y sumigaw nang may malakas na tinig na nagsasabi,
“Bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonia!
Ito'y naging tirahan ng mga demonyo,
pugad ng bawat espiritung karumaldumal,
at pugad ng bawat karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon;
3sapagkat#Isa. 23:17; Jer. 51:7 lahat ng mga bansa ay uminom
ng alak ng galit ng kanyang pakikiapid,
at ang mga hari sa lupa ay nakiapid sa kanya,
at ang mga mangangalakal sa lupa ay yumaman dahil sa kapangyarihan ng kanyang kalayawan.”
4At#Isa. 48:20; Jer. 50:8; 51:6, 45 narinig ko ang isa pang tinig na mula sa langit na nagsasabi,
“Magsilabas kayo sa kanya, bayan ko,
upang huwag kayong madamay sa kanyang mga kasalanan,
at huwag kayong makabahagi
sa kanyang mga salot;
5sapagkat#Gen. 18:20, 21; Jer. 51:9 ang kanyang mga kasalanan ay nagkapatung-patong na umaabot hanggang sa langit,
at natatandaan ng Diyos ang kanyang mga kasalanan.
6Ibigay#Awit 137:8; Jer. 50:29 din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo,
at bayaran ninyo ng makalawang ulit ang kanyang mga gawa;
sa kopang kanyang pinaghaluan ay inyong ipaghalo siya ng makalawang ulit.
7Kung#Isa. 47:7-9 gaano siya nagmalaki at namuhay sa kalayawan,
ay gayundin ang ibigay ninyo sa kanyang pahirap at pagluluksa.
Sapagkat sinasabi niya sa kanyang puso,
‘Ako'y nakaupong isang reyna.
Hindi ako balo
at hindi ko makikita kailanman ang pagluluksa.’
8Kaya't sa loob ng isang araw ay darating ang mga salot sa kanya,
kamatayan, pagluluksa at gutom;
at siya'y lubos na susunugin sa apoy;
sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na humatol sa kanya.”
9At#Ez. 26:16, 17 ang mga hari sa lupa na nakiapid at namuhay sa kalayawan na kasama niya, ay iiyakan at tatangisan siya kapag nakita nila ang usok ng pagsusunog sa kanya.
10Sila'y tatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kanya, na nagsasabi,
“Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod,
ikaw na makapangyarihang lunsod ng Babilonia!
Sapagkat sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.”
11Ang#Ez. 27:31, 36 mga mangangalakal sa lupa ay tumatangis at nagluluksa dahil sa kanya, sapagkat wala nang bibili pa ng kanilang kalakal;
12kalakal#Ez. 27:12, 13, 22 na ginto at pilak, mahalagang bato at mga perlas, pinong lino, kulay-ube, sutla at pula; ng sari-saring mababangong kahoy, at bawat kasangkapang garing, bawat kasangkapang mahalagang kahoy, tanso, bakal, marmol,
13kanela, pampalasa, kamanyang, mira at insenso; alak at langis, at mainam na harina at trigo, mga baka at mga tupa, mga kabayo at mga karwahe, at mga alipin; at ng mga kaluluwa ng mga tao.
14“Ang mga bungang ninanais ng kaluluwa mo
ay wala na sa iyo,
at lahat ng mga bagay na mararangya at mariringal
ay nalipol sa iyo,
at hindi na kailanman matatagpuan pang muli!”
15Ang#Ez. 27:31, 36 mga mangangalakal ng mga bagay na ito na tumatangis at tumataghoy, na yumaman dahil sa kanya, ay tatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kanya,
16na nagsasabi,
“Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod,
siyang nagsusuot ng pinong lino at ng kulay-ube, at pula,
at napapalamutian ng ginto, mahahalagang bato at perlas!
17Sapagkat#Isa. 23:14; Ez. 27:26-30 sa loob ng isang oras ay nalipol ang ganito kalaking kayamanan!”
At ang bawat pinuno ng barko, ang bawat naglalayag saan mang dako, ang mga mandaragat, at lahat ng naghahanap-buhay sa dagat, ay nakatayo sa malayo,
18at#Ez. 27:32 nagsisisigaw pagkakita sa usok ng pagsusunog sa kanya, na nagsasabi,
“Anong lunsod ang katulad ng dakilang lunsod?”
19At#Ez. 27:30-34 sila'y nagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo at nagsisigawan, na nag-iiyakan at nananaghoy, na nagsasabi,
“Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod,
na siyang nagpapayaman sa lahat na may mga barko sa dagat, dahil sa kanyang mga kayamanan!
Sapagkat sa loob ng isang oras siya ay nawasak!
20Magalak#Deut. 32:43; Jer. 51:48 ka tungkol sa kanya, O langit,
at kayong mga banal at mga apostol, at mga propeta;
sapagkat iginawad na ng Diyos para sa inyo ang hatol sa kanya!”
21Pagkatapos#Jer. 51:63, 64; Ez. 26:21 ay dinampot ng isang malakas na anghel ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat na sinasabi,
“Sa ganitong karahasan ibabagsak ang dakilang Babilonia,
at hindi na matatagpuan pa.
22At#Ez. 26:13; Isa. 24:8 #Jer. 7:34; 25:10 ang tunog ng mga manunugtog ng alpa at ng mga musikero at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng trumpeta
ay hindi na maririnig pa sa iyo;
at wala nang manggagawa ng anumang gawa
ang matatagpuan pa sa iyo;
at ang ingay ng gilingan
ay hindi na maririnig pa sa iyo;
23at ang liwanag ng ilawan
ay hindi na tatanglaw pa sa iyo
at ang tinig ng lalaking ikakasal at ng babaing ikakasal
ay hindi na maririnig pa sa iyo;
sapagkat ang mga mangangalakal mo ay dating mga pangunahin sa lupa;
sapagkat dinaya ng iyong pangkukulam ang lahat ng mga bansa.
24At#Jer. 51:49 natagpuan sa kanya ang dugo ng mga propeta at ng mga banal,
at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.”
Kasalukuyang Napili:
APOCALIPSIS 18: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001