Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ANG AWIT NG MGA AWIT 1

1
1Ang#1 Ha. 4:32 awit ng mga awit na kay Solomon.
Babae
2Hagkan niya sana ako ng mga halik ng kanyang bibig!
Sapagkat mas mabuti kaysa alak ang iyong pag-ibig,
3ang iyong mga langis na pambuhos ay mabango;
langis na ibinuhos ang pangalan mo;
kaya't ang mga dalaga'y umiibig sa iyo.
4Palapitin mo ako sa iyo, magmadali tayo.
Dinala ako ng hari sa mga silid niya.
Kami ay matutuwa at sa iyo'y magsasaya.
Aming itataas ng higit kaysa alak ang pag-ibig mo,
matuwid ang pag-ibig nila sa iyo.
5Ako'y maitim, ngunit kahali-halina,
O kayong mga anak na babae ng Jerusalem,
gaya ng mga tolda sa Kedar,
gaya ng mga tabing ni Solomon.
6Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y maitim,
sapagkat sinunog ako ng araw.
Ang mga anak ng aking ina ay galit sa akin,
ginawa nila akong tagapangalaga ng mga ubasan;
ngunit ang sarili kong ubasan ay hindi ko nabantayan.
7Sabihin mo sa akin, ikaw na minamahal ng aking kaluluwa,
saan ka nagpapastol ng iyong kawan,
saan mo pinahihiga sa katanghalian;
sapagkat bakit ako'y magiging gaya ng nalalambungan,
sa tabi ng mga kawan ng iyong mga kasamahan?
Mangingibig
8Kung hindi mo nalalaman,
O ikaw na pinakamaganda sa mga babae,
sumunod ka sa mga landas ng kawan,
at ipastol mo ang mga anak ng kambing
sa tabi ng mga tolda ng mga pastol.
Pag-uusap ng Magkasuyo
9Aking itinutulad ka, O aking sinta,
sa isang kabayo sa mga karwahe ni Faraon.
10Pinagaganda ng mga pahiyas ang iyong mga pisngi,
ang iyong leeg ng mga kuwintas na palamuti.
11Igagawa ka namin ng mga gintong kuwintas,
na may mga pilak na pahiyas.
Babae
12Samantalang ang hari ay nasa kanyang hapag,
ang aking nardo ay nagsasabog ng kanyang kabanguhan.
13Ang aking mahal ay gaya ng supot ng mira para sa akin,
na humihilig sa pagitan ng aking dibdib.
14Ang aking sinta para sa akin ay kumpol na bulaklak ng hena
sa mga ubasan ng En-gedi.
Lalaki
15O napakaganda mo, aking sinta,
totoong, ikaw ay maganda;
mga kalapati ang iyong mga mata.
Babae
16O napakaganda mo, aking sinta,
kaakit-akit na tunay,
ang ating higaan ay luntian.
17Ang mga biga ng ating bahay ay mga sedro,
ang kanyang mga bubong ay mga sipres.

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in