ZACARIAS 10
10
Ang Pagbabalik ng Juda at Israel
1Hingin ninyo sa Panginoon ang ulan
sa kapanahunan ng ulan sa tagsibol,
mula sa Panginoon na gumagawa ng ulap na may dalang unos,
at kanyang bibigyan sila ng ulan,
sa bawat isa'y ng damo sa parang.
2Sapagkat#Mt. 9:36; Mc. 6:34 ang mga diyus-diyosan ng sambahayan ay nagsalita ng walang kabuluhan,
at ang mga manghuhula ay nakakakita ng kabulaanan;
at sila'y nagpapahayag ng huwad na panaginip,
at nagbibigay ng walang kabuluhang kaaliwan.
Kaya't ang mga tao ay gumagala na gaya ng mga tupa,
sila'y nagdadalamhati, sapagkat walang pastol.
3“Ang aking galit ay mainit laban sa mga pastol,
at aking parurusahan ang mga lalaking kambing;
sapagkat dinalaw ng Panginoon ng mga hukbo ang kanyang kawan, ang sambahayan ni Juda,
at kanyang gagawin silang parang kanyang magilas na kabayo sa pakikipaglaban.
4Mula sa kanila ay lalabas ang batong panulok,
mula sa kanila ay ang tulos ng tolda,
mula sa kanila ay ang busog ng pakikipaglaban,
mula sa kanila ay ang bawat pinuno na magkakasama.
5At sila'y magiging parang mga makapangyarihang lalaki,
na tinatapakan ang kaaway sa putik ng lansangan sa labanan,
at sila'y lalaban, sapagkat ang Panginoon ay kasama nila,
at kanilang hihiyain ang mga mangangabayo.
6“Aking palalakasin ang sambahayan ni Juda,
at aking ililigtas ang sambahayan ni Jose,
ibabalik ko sila sapagkat ako'y naawa sa kanila;
at sila'y magiging parang hindi ko itinakuwil:
sapagkat ako ang Panginoon nilang Diyos
at sila'y aking diringgin.
7Ang Efraim ay magiging gaya ng mga makapangyarihang lalaki,
at ang kanilang puso ay magagalak na gaya ng may alak.
Ito'y makikita ng kanilang mga anak at magagalak,
ang kanilang puso ay magagalak sa Panginoon.
8“Huhudyatan ko sila at sila'y titipunin,
sapagkat tinubos ko sila;
at sila'y dadami na gaya nang una.
9Bagaman pinangalat ko sila sa gitna ng mga bansa;
gayunma'y aalalahanin nila ako kahit sa malalayong lupain;
at sila'y mabubuhay kasama ng kanilang mga anak at magbabalik.
10Ibabalik ko silang pauwi mula sa lupain ng Ehipto,
at titipunin ko sila mula sa Asiria;
at dadalhin ko sila sa lupain ng Gilead at Lebanon,
hanggang wala nang silid para sa kanila.
11Sila'y#10:11 Sa Septuaginta ay Siya'y. tatawid sa dagat ng kaguluhan,
at ang mga alon ng dagat ay hahampasin,
at ang lahat ng kalaliman sa Nilo ay matutuyo.
Ang pagmamataas ng Asiria ay ibababa,
at ang setro ng Ehipto ay mawawala.
12Palalakasin ko sila sa Panginoon;
at sila'y lalakad sa kanyang pangalan,” sabi ng Panginoon.
Kasalukuyang Napili:
ZACARIAS 10: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: