ZACARIAS 9
9
Ang Hatol sa mga Kalapit na Bansa
1Ang#Isa. 17:1-3; Jer. 49:23-27; Amos 1:3-5 #Isa. 23:1-18; Ez. 26:1–28:26; Joel 3:4-8; Amos 1:9, 10; Mt. 11:21, 22; Lu. 10:13, 14 salita ng Panginoon ay laban sa lupain ng Hadrac,
at Damasco ang pahingahang dako nito.
Sapagkat ang mata ng tao,
pati ang lahat ng lipi ng Israel ay nasa Panginoon,
2gayundin ang Hamat, na hangganan nito;
sa Tiro at Sidon, bagaman sila'y napakarunong.
3Ang Tiro ay nagtayo ng kanyang muog,
at nagbunton ng pilak na parang alabok,
at ng ginto na parang putik ng lansangan.
4Narito, ngunit aalisan siya ng Panginoon ng kanyang mga yaman,
at ihahagis ang kanyang kayamanan sa dagat,
at siya'y lalamunin ng apoy.
5Makikita#Isa. 14:29-31; Jer. 47:1-7; Ez. 25:15-17; Joel 3:4-8; Amos 1:6-8; Sef. 2:4-7 ito ng Ascalon, at matatakot;
gayundin ng Gaza, at mamimilipit sa hinagpis,
gayundin ang Ekron, sapagkat ang kanyang pag-asa ay malalanta.
Ang hari ay mamamatay sa Gaza,
at ang Ascalon ay hindi tatahanan.
6Isang anak sa labas ang maninirahan sa Asdod,
at aking tatapusin ang kapalaluan ng mga Filisteo.
7Aalisin ko ang kanyang dugo sa kanyang bibig,
at ang mga kasuklamsuklam nito sa pagitan ng kanyang mga ngipin;
iyon man ay magiging nalabi para sa ating Diyos;
ito'y magiging gaya ng isang angkan sa Juda,
ang Ekron ay magiging gaya ng Jebuseo.
8At ako'y magkakampo sa aking bahay dahil sa hukbo,
dahil sa kanya na dumadaan, at dahil sa kanya na bumabalik;
at wala nang manlulupig na daraan pa sa kanila,
sapagkat ngayo'y nakita ko ng aking sariling mga mata.
Ang Hari sa Hinaharap
9Magalak#Mt. 21:5; Jn. 12:15 ka nang husto, O anak na babae ng Zion!
Sumigaw ka nang malakas, O anak na babae ng Jerusalem!
Narito, ang iyong hari ay dumarating sa iyo;
siya'y matuwid at matagumpay,
mapagpakumbaba at nakasakay sa isang asno,
sa isang batang asno na anak ng asnong babae.
10Aking#Awit 72:8 aalisin ang karwahe mula sa Efraim,
at ang kabayo mula sa Jerusalem;
at ang mga busog na pandigma ay mapuputol;
at siya'y magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa;
ang kanyang nasasakupan ay magiging mula sa kabilang dagat hanggang sa dagat,
at mula sa ilog hanggang sa mga dulo ng lupa.
11Tungkol#Exo. 24:8 naman sa iyo, dahil sa dugo ng aking tipan sa iyo
ay aking palalayain ang iyong mga bilanggo mula sa hukay na walang tubig.
12Bumalik kayo sa inyong muog, kayong mga bilanggo na may pag-asa,
ngayo'y ipinahahayag ko na aking ibabalik sa inyo nang makalawa.
13Sapagkat aking binaluktot ang Juda bilang aking busog,
ginawa ko ang Efraim na aking palaso.
Gigisingin ko ang iyong mga anak, O Zion,
laban sa iyong mga anak, O Grecia,
at gagawin kitang parang tabak ng mandirigma.
14At ang Panginoon ay makikita sa itaas nila;
at lalabas ang kanyang pana na parang kidlat;
patutunugin ng Panginoong Diyos ang trumpeta,
at hahayo na kasama ang ipu-ipo ng timog.
15Iingatan sila ng Panginoon ng mga hukbo;
at kanilang lalamunin at tatapakan ang mga batong pantirador;
at kanilang iinumin ang kanilang dugo na gaya ng alak;
at sila'y mapupunong parang mga mangkok,
na basang-basa na gaya ng mga sulok ng dambana.
16Ililigtas sila ng Panginoon nilang Diyos sa araw na iyon
sapagkat sila ang kawan ng kanyang bayan;
sapagkat gaya ng mga bato ng isang korona
ay magniningning sila sa kanyang lupain.
17Sapagkat napakalaki ng kanyang kabutihan, at napakalaki ng kanyang kagandahan!
Pagiginhawahin ng trigo ang mga binata,
at ng bagong alak ang mga dalaga.
Kasalukuyang Napili:
ZACARIAS 9: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: