Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA TAGA CORINTO 12

12
1Ngayong tungkol #1 Cor. 14:1. sa mga kaloob na ayon sa espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam.
2Nalalaman ninyo #1 Cor. 6:11. na nang kayo'y mga Gentil pa, ay iniligaw kayo #Awit 115:5. sa mga piping diosdiosan, sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo.
3Kaya't ipinatatalastas ko sa inyo, na wala #1 Juan 4:2, 3. sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi, Si Jesus ay #1 Cor. 16:22. itinakwil; at wala #Mat. 16:17. sinoman ay makapagsasabi, Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
4Ngayo'y #Rom. 12:4-6; 1 Cor. 7:7. may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't #Ef. 4:4-6. iisang Espiritu.
5At may #Ef. 4:11. iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon.
6At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang #Ef. 1:23. Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.
7Datapuwa't sa bawa't isa #Rom. 12:6, 8; 1 Ped. 4:10, 11. ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.
8Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng #Ef. 1:17; Col. 1:9. karunungan; at sa iba'y ang salita ng #1 Cor. 13:2, 8; 14:6; 2 Ped. 1:5. kaalaman ayon din sa Espiritu:
9Sa iba'y ang #1 Cor. 13:2. pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang #tal. 28, 30. mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu.
10At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang #1 Juan 4:1. pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang #Gawa 2:4. iba't ibang wika; at sa iba'y ang #1 Cor. 14:26. pagpapaliwanag ng mga wika.
11Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.
12Sapagka't #tal. 20; Rom. 12:4, 5; 1 Cor. 10:17. kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.
13Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, #Gal. 3:28; Ef. 6:8. maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay #Juan 6:63; 7:39. pinainom sa #tal. 4, 11. isang Espiritu.
14Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami.
15Kung sasabihin ng paa, Sapagka't hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.
16At kung sasabihin ng tainga, Sapagka't hindi ako mata, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.
17Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang lahat ay pawang pakinig, saan naroroon ang pangamoy.
18Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling.
19At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan?
20Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan.
21At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan: at hindi rin ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan.
22Hindi, kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari'y lalong mahihina:
23At yaong mga sangkap ng katawan, na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan;
24Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan;
25Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa't isa.
26At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri, ang lahat ng mga sangkap #Rom. 12:15. ay nangagagalak na kasama niya.
27 # Rom. 12:5; 1 Cor. 10:17; Ef. 1:23; 3:6; 4:12; Col. 1:24. Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga #Ef. 5:30. sangkap niya.
28At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y #Ef. 4:11. mga apostol, ikalawa'y #Gawa 11:27. mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka #tal. 10. mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, #Rom. 12:8; 1 Tim. 5:17; 1 Ped. 5:1-3. mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.
29Lahat baga'y mga apostol? lahat baga'y mga propeta? lahat baga'y mga guro? lahat baga'y mga manggagawa ng mga himala?
30May mga kaloob na pagpapagaling baga ang lahat? #tal. 10. nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika? lahat baga ay nangagpapaliwanag?
31Datapuwa't maningas ninyong #1 Cor. 14:1, 39. nasain, ang lalong dakilang mga kaloob. At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan.

Kasalukuyang Napili:

I MGA TAGA CORINTO 12: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in