Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA TAGA CORINTO 3

3
1At ako, mga kapatid, ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa #1 Cor. 2:15. espiritu, kundi tulad sa mga nasa #1 Cor. 2:14. laman, tulad sa #Ef. 4:14; Heb. 5:13. mga sanggol kay Cristo.
2Kinandili ko kayo ng #Heb. 5:12, 13. gatas, at hindi ng lamang-kati; #Juan 16:12. sapagka't kayo'y wala pang kaya noon: wala, na ngayon pa man ay wala kayong kaya;
3Sapagka't kayo'y mga sa laman pa: sapagka't samantalang sa inyo'y may mga paninibugho at #1 Cor. 1:11. mga pagtatalo, hindi baga kayo'y mga sa laman, at kayo'y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao?
4Sapagka't kung sinasabi ng isa, #1 Cor. 1:12. Ako'y kay Pablo; at ng iba, #Gawa 18:24. Ako'y kay Apolos; hindi baga kayo'y mga tao?
5Ano nga si Apolos? at Ano si Pablo? #1 Cor. 4:1; 2 Cor. 3:3. Mga ministro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo; at sa bawa't isa #1 Cor. 12:18. ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon #Rom. 12:3, 6; 1 Ped. 4:11. sa kaniya.
6Ako ang #Gawa 18:4-11; 1 Cor. 4:15; 9:1. nagtanim, #Gawa 18:27. si Apolos ang nagdilig; #1 Cor. 15:10. nguni't ang Dios ang siyang nagpalago.
7Ano pa't walang anoman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Dios na nagpapalago.
8Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa: nguni't ang #1 Cor. 4:5; 9:16, 17. bawa't isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.
9Sapagka't #2 Cor. 6:1. tayo ay mga kamanggagawa ng Dios: kayo ang bukid ng Dios, #Ef. 2:20; Col. 2:7. ang gusali ng Dios.
10Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni't ingatan ng bawa't tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.
11Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, #Ef. 2:20. na ito'y si Cristo Jesus.
12Datapuwa't kung ang sinoma'y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami;
13Ang gawa #1 Cor. 4:5. ng bawa't isa ay mahahayag: sapagka't #Mal. 3:17; 1 Cor. 1:8. ang araw #2 Tes. 1:8. ang magsasaysay, sapagka't sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa't isa kung ano yaon.
14Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya'y tatanggap ng kagantihan.
15Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, #Luc. 9:25. ay malulugi siya: nguni't siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon ma'y #Jud. 23. tulad sa pamamagitan ng apoy.
16Hindi baga ninyo nalalaman #1 Cor. 6:19; 2 Cor. 6:16; Ef. 2:21. na kayo'y templo ng Dios, at #Rom. 8:9; 2 Tim. 1:14. ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?
17Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.
18Sinoma'y huwag #Gal. 6:3. magdaya sa kaniyang sarili. #1 Cor. 8:2. Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya'y marunong sa kapanahunang #1 Cor. 2:6. ito, ay magpakamangmang siya, upang siya ang maging marunong.
19Sapagka't ang #1 Cor. 1:20; 2:6. karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagka't nasusulat, #Job 5:13. Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan:
20At muli, #Awit 94:11. Nalalaman ng Panginoon ang pangangatuwiran ng marurunong, na pawang walang kabuluhan.
21Kaya't #1 Cor. 4:6; 5:6. huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao, Sapagka't ang lahat ng mga bagay ay sa inyo.
22Kahit si Pablo, kahit si Apolos, kahit si #1 Cor. 1:12. Cefas, kahit ang sanglibutan, kahit ang buhay, kahit ang kamatayan, kahit #Rom. 8:38. ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating; #Rom. 8:28. lahat ay sa inyo:
23At #2 Cor. 10:7; Gal. 3:29. kayo'y kay Cristo; at si Cristo ay sa Dios.

Kasalukuyang Napili:

I MGA TAGA CORINTO 3: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in