Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I JUAN 1

1
1Yaong #Juan 1:1; 1 Juan 2:13, 14. buhat sa pasimula, yaong aming narinig, #Apoc. 1:2. yaong nakita ng aming mga mata, #Juan 1:14. yaong aming namasdan, at #Luc. 24:39. nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay
2(at #Juan 1:4. ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at #Juan 15:27; 21:24. pinatotohanan, #1 Juan 5:20. at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, #Juan 1:1, 2. na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag);
3Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at #Juan 17:21; 1 Juan 2:24. tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:
4At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, #Juan 15:11. upang ang ating kagalakan ay malubos.
5At #1 Juan 3:11. ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo'y aming ibinabalita, #Juan 1:4. na ang Dios ay ilaw, at sa kaniya'y walang anomang kadiliman.
6Kung sinasabi nating #1 Juan 2:4. tayo'y may pakikisama sa kaniya at #Juan 12:35; 1 Juan 2:11. nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan:
7Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis #Gawa 20:28; Apoc. 7:14. tayo #1 Cor. 6:11. ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.
8Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay #1 Juan 2:4. wala sa atin.
9Kung ipinahahayag natin ang #Awit 51:3. ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
10Kung sinasabi nating tayo'y hindi nangagkasala, #1 Juan 5:10. ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.

Kasalukuyang Napili:

I JUAN 1: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in