I PEDRO 2:13-17
I PEDRO 2:13-17 ABTAG
Kayo'y pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan; O sa mga gobernador, na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti. Sapagka't siyang kalooban ng Dios, na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo: Na gaya nang kayo'y mga laya, at ang inyong kalayaan ay hindi ginagamit na balabal ng kasamaan, kundi gaya ng mga alipin ng Dios. Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran. Mangatakot kayo sa Dios. Igalang ninyo ang hari.




