Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I PEDRO 2

2
1 # 1 Ped. 2:11. Kaya't sa paghihiwalay ng lahat na #Ef. 4:31. kasamaan, at lahat ng pagdaraya, at pagpapaimbabaw, at mga pananaghili, at ng lahat #Sant. 4:11. ng panglalait,
2 # Mat. 18:3. Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo #1 Cor. 3:2. ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas;
3Kung inyong #Heb. 6:5. napagkilala na ang Panginoon ay #Luc. 6:35. mapagbiyaya:
4Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y #tal. 6, 7. itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga,
5Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay #Ef. 2:20-22. natatayong #Heb. 3:6. bahay na ukol sa espiritu, #tal. 9. upang maging pagkasaserdoteng banal, #Rom. 12:1; Heb. 13:15. upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, #Fil. 4:18. na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.
6Sapagka't ito ang nilalaman ng kasulatan,
# Is. 28:16; Rom. 9:33. Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga:
At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.
7Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya,
# Awit 118:22. Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay
Siyang naging pangulo sa panulok;
8At,
Batong katitisuran, #Is. 8:14. at bato na pangbuwal;
Sapagka't sila ay natitisod sa salita, palibhasa'y mga suwail: #Rom. 9:22. na dito rin naman sila itinalaga,
9Datapuwa't kayo'y #1 Ped. 1:2. isang lahing hirang, isang makaharing #Apoc. 1:6. pagkasaserdote, #Deut. 26:16. bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo #Gawa 26:18. mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:
10Na #Rom. 9:25, 26. nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa't ngayo'y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa't ngayo'y nagsipagkamit ng awa.
11Mga minamahal, ipinamamanhik ko sa inyong tulad sa mga nangingibang bayan at nagsisipaglakbay, na kayo'y magsipagpigil sa mga masamang pita ng laman, #Sant. 4:1. na nakikipaglaban sa kaluluwa;
12Na #Fil. 2:15. kayo'y mangagkaroon #Gal. 1:13. ng timtimang ugali sa gitna ng mga Gentil; upang, sa mga bagay na ipinagsasalita nila laban sa inyong tulad sa #1 Ped. 3:16. nagsisigawa ng masama, dahil sa inyong mabubuting gawa #Mat. 5:16. na kanilang nakikita, ay purihin nila ang Dios sa araw #Luc. 19:44. ng pagdalaw.
13Kayo'y #Rom. 13:1. pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan;
14O sa mga gobernador, na sinugo niya #Rom. 13:4. sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti.
15Sapagka't #1 Ped. 3:17. siyang kalooban ng Dios, na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo:
16Na gaya nang kayo'y mga laya, #Gal. 5:1. at ang inyong kalayaan ay hindi ginagamit na balabal ng kasamaan, kundi #1 Cor. 7:22. gaya ng mga alipin ng Dios.
17Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran. Mangatakot kayo sa Dios. Igalang ninyo ang hari.
18Mga alila, #Ef. 6:5. kayo'y magsisuko na may buong takot sa inyong mga panginoon; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi naman sa mababagsik.
19Sapagka't ito'y #Mat. 5:10; Rom. 13:5. kalugodlugod, kung dahil sa budhing ukol sa Dios ay magtiis ang sinoman ng mga kalumbayan, na magbata ng di matuwid.
20Sapagka't #1 Ped. 3:14. anong kapurihan nga, kung kayo'y nangagkakasala, at kayo'y tinatampal ay inyong tanggapin na may pagtitiis? nguni't kung kayo'y gumagawa ng mabuti, at kayo'y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito'y kalugodlugod sa Dios.
21Sapagka't #Gawa 14:22. sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si #1 Ped. 3:18. Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya:
22Na siya'y hindi nagkasala, #Is. 53:9. o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig:
23Na, nang siya'y alipustain, ay #Is. 53:7. hindi gumanti ng pagalipusta; nang siya'y magbata, ay hindi nagbala; kundi ipinagkatiwala #Luc. 23:46. ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng matuwid:
24Na siya rin ang #Is. 53:4; Mat. 8:17. nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang #Rom. 6:2. pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; #Is. 53:5. na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.
25Sapagka't #Is. 53:6. kayo'y gaya ng mga tupang nangaliligaw; datapuwa't ngayon ay nangabalik kayo sa #1 Ped. 5:4. Pastor at Obispo ng inyong mga kaluluwa.

Kasalukuyang Napili:

I PEDRO 2: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in