Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I SAMUEL 10

10
Binuhusan ni Samuel si Saul ng langis upang maging hari.
1 # 1 Sam. 9:16; 16:13; 2 Sam. 2:4; 5:13; 1 Hari 1:39; 19:16. Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang #Deut. 32:9; Awit 78:71.mana?
2Paghiwalay mo sa akin ngayon, ay masusumpungan mo nga ang dalawang lalake sa siping ng #Gen. 35:19, 20. libingan ni Rachel, sa hangganan ng Benjamin sa Selsah; at sasabihin nila sa iyo, Ang mga asno na iyong hinahanap ay nasumpungan na; at, narito, niwalang bahala ng iyong ama ang mga asno, at ang #1 Sam. 9:5.inaalaala ay kayo, na sinasabi, Paano ang aking gagawin sa aking anak?
3Kung magkagayo'y magpapatuloy ka mula roon, at darating ka sa ensina ng Tabor; at masasalubong ka roon ng tatlong lalake na inaahon ang Dios sa Beth-el, ang isa'y may dalang tatlong batang kambing, at ang isa'y may dalang tatlong tinapay, at ang isa'y may dalang isang balat na sisidlan ng alak:
4At babatiin ka nila, at bibigyan ka ng dalawang tinapay, na iyong tatanggapin sa kanilang kamay.
5Pagkatapos ay darating ka sa #tal. 10.burol ng Dios, #1 Sam. 13:3, 4; 2 Sam. 8:6, 14; 1 Cron. 11:16.na nandoon ang isang pulutong ng mga Filisteo: at mangyayari pagdating mo roon sa bayan, na makakasalubong ka ng isang pulutong na mga propeta na lumulusong #1 Sam. 9:12.mula sa mataas na dako, na may salterio, at pandereta, at flauta, at alpa sa harap nila; at #Ex. 15:20-21; 2 Hari 3:15.silay magsisipanghula.
6 # Blg. 11:25; Huk. 3:10; 14:6, 20; 1 Sam. 11:6; 16:13. At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sasaiyo, at #1 Sam. 19:23, 24.manghuhula kang kasama nila, at ikaw ay magiging ibang lalake.
7At mano nawa, na pagka ang mga tandang ito ay mangyari sa iyo, na gawin mo ang idudulot ng pagkakataon; sapagka't ang Dios ay sumasaiyo.
8At ikaw ay lulusong na una sa akin #1 Sam. 11:14, 15; 13:4.sa Gilgal; at, narito, lulusungin kita, upang maghandog ng mga handog na susunugin, at maghain ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: #1 Sam. 13:8.pitong araw na maghihintay ka, hanggang sa ako'y pumaroon sa iyo, at ituro sa iyo kung ano ang iyong gagawin.
Si Saul na kasama ng ibang mga propeta.
9At nangyaring gayon, na nang kaniyang matalikdan na iwan niya si Samuel, ay binigyan siya ng Dios ng ibang puso: at ang lahat na tandang yaon ay nangyari sa araw na yaon.
10At #tal. 5.nang sila'y dumating doon sa burol, narito, isang #1 Sam. 19:20.pulutong na mga propeta ay nasasalubong niya; at ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihang suma kaniya, at siya'y nanghula sa gitna nila.
11At nangyari nang makita siya ng lahat na nakakakilala sa kaniya nang una, na, narito siya'y nanghuhulang kasama ng mga propeta, ay nagsalisalitaan ang bayan, Ano itong nangyari sa anak ni Cis? Si #1 Sam. 19:24; Mat. 13:54, 55.Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta?
12At isang taga dakong yaon ay sumagot at nagsabi, At #Is. 54:13.sino ang kanilang ama? Kaya't naging kawikaan, Si Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta?
13At nang siya'y makatapos ng panghuhula, siya'y sumampa sa mataas na dako.
14At sinabi ng #1 Sam. 14:50.amain ni Saul sa kaniya at sa kaniyang bataan, Saan kayo naparoon? At kaniyang sinabi, Upang hanapin ang mga asno, at nang aming makita na hindi mangasumpungan, ay naparoon kami kay Samuel.
15At sinabi ng amain ni Saul, Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin, kung ano ang sinabi ni Samuel sa inyo.
16At sinabi ni Saul sa kaniyang amain, Sinabi niyang maliwanag sa amin na ang mga #1 Sam. 9:20.asno ay nasumpungan na. Nguni't tungkol sa bagay ng kaharian, na sinalita ni Samuel, ay hindi niya isinaysay sa kaniya.
17At tinipon ni Samuel ang #1 Sam. 11:15.bayan sa Panginoon #1 Sam. 7:5, 6.sa Mizpa;
18At sinabi niya sa mga anak ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Iniahon ko ang Israel mula sa Egipto, at pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto, at sa kamay ng lahat ng mga kaharian na pumighati sa inyo:
19 # 1 Sam. 8:7, 19; 12:12. Nguni't itinakuwil ninyo sa araw na ito ang inyong Dios, na siyang nagligtas sa inyo sa lahat ng mga inyong kasakunaan at mga kapighatian; at sinabi ninyo sa kaniya, Hindi, kundi lagyan mo kami ng isang hari. Ngayon nga'y #Jos. 24:1.humarap kayo sa Panginoon ayon sa inyo-inyong mga lipi, at ayon sa inyong mga libolibo.
20Sa gayo'y #Jos. 7:14, 16, 17; Huk. 20:9. pinalapit ni Samuel ang lahat ng mga lipi, at ang lipi ni Benjamin ang napili.
21At kaniyang inilapit ang lipi ni Benjamin ayon sa kaniyang mga angkan; at ang angkan ni Matri ay siyang napili; at si Saul na anak ni Cis, ay siyang napili: nguni't nang kanilang hanapin siya ay hindi nasumpungan.
22 # 1 Sam. 23:2, 4, 10, 11. Kaya't kanilang itinanong uli sa Panginoon, May lalake pa bang paririto? At ang Panginoon ay sumagot, Narito siya'y nagtago sa mga kasangkapan.
23At sila'y tumakbo at kinuha nila siya roon; at nang siya'y tumayo sa gitna ng bayan, ay mataas siya kay sa sinoman sa bayan, #1 Sam. 9:2.mula sa kaniyang mga balikat at paitaas.
24At sinabi ni Samuel sa buong bayan, #2 Sam. 21:6. Nakikita ba ninyo siya na pinili ng Panginoon, na walang gaya niya sa buong bayan? At ang buong bayan ay sumigaw, at nagsabi, #1 Hari 1:25, 39; 2 Hari 11:12.Mabuhay ang hari.
25Nang magkagayo'y sinaysay ni Samuel sa bayan ang #Deut. 17:14; 1 Sam. 8:11.paraan ng kaharian, at isinulat sa isang aklat, at inilagay sa harap ng Panginoon. At pinayaon ni Samuel ang buong bayan, na pinauwi bawa't tao sa kaniyang bahay.
26At si Saul man ay umuwi sa kaniyang bahay sa #1 Sam. 11:4.Gabaa; at yumaong kasama niya ang hukbo, na ang kanilang mga kalooban ay kinilos ng Dios.
27 # 1 Sam. 11:12. Nguni't sinabi ng #Deut. 13:13.ilang hamak na tao, Paanong ililigtas tayo ng taong ito? At kanilang niwalang kabuluhan #1 Hari 4:21; 10:25; 2 Cron. 17:5; Mat. 2:11.at hindi nila dinalhan ng kaloob. Nguni't siya'y hindi umimik.

Kasalukuyang Napili:

I SAMUEL 10: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in