II TIMOTEO 1
1
1Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus #2 Cor. 1:1. sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ayon sa #Tit. 1:2. pangako ng buhay na nasa kay Cristo Jesus,
2 #
1 Tim. 1:2. Kay Timoteo na #1 Cor. 4:17. aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
3Nagpapasalamat ako sa Dios, na #Gawa 22:3; Gal. 1:14. mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing #Gawa 23:1. malinis, #1 Tes. 1:2; Flm. 4. na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing, gabi't araw
4Na kinasasabikan kong makita kita, #Tit. 1:2. na inaalaala ang iyong mga pagluha, upang ako'y mapuspos ng kagalakan;
5Na inaalaala ko #1 Tim. 1:5. ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay #Gawa 16:1. Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman.
6Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo #1 Tim. 4:14. na paningasin mo ang kaloob ng Dios, #1 Tim. 1:18. na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay.
7Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; #Gawa 1:8. kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng #1 Tim. 3:2. kahusayan.
8 #
Mar. 8:38. Huwag mo ngang ikahiya #Apoc. 1:2. ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, ni ako na bilanggo niya: #2 Tim. 2:3. kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa evangelio ayon sa kapangyarihan ng Dios;
9Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay #Rom. 1:6. tumawag ng isang banal na #Heb. 3:1. pagtawag, #Tit. 3:5. hindi ayon sa ating mga gawa, kundi #Rom. 8:28. ayon sa kaniyang sariling akala at #Rom. 3:24. biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus #2 Tim. 4:9, 21. buhat pa ng mga panahong walang hanggan.
10Nguni't #Rom. 16:25, 26. ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, #1 Cor. 15:26. na siyang nagalis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio,
11Na sa bagay na ito ay ako'y itinalaga na #1 Tim. 2:7. tagapangaral, at apostol at guro.
12Dahil dito'y nagtiis #2 Tim. 2:9. din ako ng mga bagay na ito: gayon ma'y #tal. 8. hindi ako nahihiya; #1 Ped. 4:19. sapagka't nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya'y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya #tal. 18; 2 Tim. 4:8. hanggang sa araw na yaon.
13Ingatan mo #2 Tim. 3:14; Tit. 1:9. ang mga ulirang mga salitang #1 Tim. 1:10. magagaling #2 Tim. 2:2. na narinig mo sa akin, #1 Tim. 1:14. sa pananampalataya at pagibig na nasa kay Cristo Jesus.
14Yaong mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo ay ingatan mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo #1 Cor. 3:16. na nananahan sa atin.
15Ito'y nalalaman mo, na #2 Tim. 4:10, 11, 16. nagsihiwalay sa akin ang lahat ng nangasa Asia; na sa mga yaon ay si Figello at si Hermogenes.
16Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan #2 Tim. 4:19. ni Onesiforo: sapagka't madalas niya akong pinaginhawa, at hindi ikinahiya ang #Gawa 28:20. aking tanikala;
17Kundi, nang siya'y nasa Roma, ay hinanap niya ako ng buong sikap, at ako'y nasumpungan niya.
18(Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng Panginoon #tal. 12. sa araw na yaon); at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso.
Kasalukuyang Napili:
II TIMOTEO 1: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982