Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

DANIEL 12

12
Ang tulong ni Miguel sa panahon ng sakuna.
1At sa panahong yaon ay tatayo si #Dan. 10:13. Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, #Mat. 24:21. na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa #Ex. 32:32; Luc. 10:20. aklat.
2At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, #Mat. 25:46; Juan 5:28, 29; Apoc. 20:12. ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.
3At silang pantas ay #Mat. 13:43. sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man.
4Nguni't ikaw, Oh Daniel, #Apoc. 5:1; 10:4. isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang #tal. 13. sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.
Ang panahon ng katapusan.
5Nang magkagayo'y akong si Daniel ay tumingin, at, narito, nakatayo ang ibang dalawa, ang isa'y sa dakong ito ng pangpang ng ilog, at ang isa'y sa kabilang pangpang ng ilog sa dakong yaon.
6At ang isa'y nagsalita sa lalaking nabibihisan ng kayong #Dan. 10:5. lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, #Dan. 8:13. Hanggang kailan mangyayari ang wakas ng mga kababalaghang ito?
7At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit, #Apoc. 10:6. at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa #Dan. 8:19. isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos.
8At aking narinig, nguni't di ko naunawa: nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoon ko, ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito?
9At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't #tal. 4. ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan.
10Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa #Apoc. 22:11. na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa.
11At mula sa panahon na #Dan. 11:31. ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang #Dan. 9:27. kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw.
12Mapalad siyang naghihintay, at datnin ng isang libo't tatlong daan at tatlong pu't limang araw.
13Nguni't yumaon ka ng iyong lakad hanggang sa ang wakas ay mangyari; sapagka't ikaw ay magpapahinga, at tatayo sa iyong kapalaran, sa wakas ng mga araw.

Kasalukuyang Napili:

DANIEL 12: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in