ECLESIASTES 10
10
Ang pagkakaawang gawa at ang kasipagan ay dapat gawin na may pagasa.
1Ang mga patay na langaw ay nagpapabaho sa unguento ng manggagawa ng pabango: #Ec. 2:3. gayon ang munting kamangmangan ay sumisira ng karunungan at karangalan.
2Ang puso ng pantas na tao ay nasa kaniyang kanang kamay; nguni't ang puso ng mangmang ay sa kaniyang kaliwa.
3Oo gayon din, pagka ang mangmang ay lumalakad sa daan, ay nawawalan siya ng bait, at #Kaw. 18:2. kaniyang sinasabi sa bawa't isa, na siya'y isang ulol.
4Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo, #Ec. 8:3. huwag kang umalis: #Kaw. 25:15. sapagka't ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit.
5May isang kasamaan, na nakita ko sa ilalim ng araw na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno:
6 #
Est. 3:1. Ang mangmang ay nauupo sa malaking karangalan, at ang mayaman ay nauupo sa mababang dako.
7Nakakita ako ng mga #Kaw. 19:10. alipin na nakasakay sa mga kabayo, at ng mga pangulo na nagsisilakad sa lupa na gaya ng mga alipin.
8 #
Awit 7:15; Kaw. 26:27. Siyang humuhukay ng lungaw ay mahuhulog doon: at ang sumisira sa pader, ay kakagatin siya ng ahas.
9Ang tumatabas ng mga bato ay masasaktan niyaon; #Deut. 20:19. at ang pumapalakol ng kahoy ay napapanganib doon.
10Kung ang bakal ay pumurol, at hindi ihasa ninoman ang talim, marapat nga niyang gamitan ng lalong kalakasan: nguni't ang karunungan ay pinakikinabangang magturo.
11Kung ang ahas ay #Awit 58:4-5; Jer. 8:17. kumagat bago maenkanto, wala ngang kapakinabangan sa mangeenkanto.
12Ang mga #Kaw. 10:32. salita ng bibig ng pantas ay mapagbiyaya; nguni't ang mga labi ng mangmang ay lalamon sa kaniyang sarili.
13Ang pasimula ng mga salita ng kaniyang bibig ay kamangmangan: at ang wakas ng kaniyang salita ay makamandag na kaululan.
14 #
Kaw. 15:2. Ang mangmang din naman ay nagpaparami ng mga salita: gayon ma'y hindi nalalaman ng tao kung ano ang mangyayari; #Ec. 3:22; 6:12. at ang mangyayari pagkamatay niya, sinong makapagsasaysay sa kaniya?
15Ang gawa ng mga mangmang ay nagpapayamot sa bawa't isa sa kanila; sapagka't hindi niya nalalaman kung paanong pagparoon sa bayan.
16 #
Is. 3:4-5, 12. Sa aba mo, Oh lupain, kung ang iyong hari ay isang bata, at ang iyong mga pangulo ay #Is. 5:11. nagsisikain sa umaga!
17Mapalad ka, Oh lupain, kung ang iyong hari ay anak ng mga mahal na tao, at ang #Kaw. 31:4. iyong mga pangulo ay nagsisikain sa kaukulang panahon, sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing!
18Sa katamaran ay gumuguho ang bubungan; at di sa pagkilos ng mga kamay ay tumutulo ang bahay.
19Ang kapistahan ay ginagawa sa ikapagtatawa, #Awit 104:15. at ang alak ay nagpapasaya sa buhay: at ang salapi ay sumasagot sa lahat ng mga bagay.
20 #
Ex. 22:28. Huwag mong sumpain ang hari, huwag, huwag sa iyong pagiisip; at huwag mong sumpain ang mayaman sa iyong silid na tulugan: sapagka't isang ibon sa himpapawid ay magdadala ng tinig, at ang may mga pakpak ay magsasaysay ng bagay.
Kasalukuyang Napili:
ECLESIASTES 10: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982