ECLESIASTES 12
12
Payo upang alalahanin ang Panginoon sa kabataan.
1Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa #Kaw. 22:6. iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, #Ec. 11:8. bago dumating ang mga masamang araw, at ang mga taon ay lumapit, #2 Sam. 19:35. pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran sa mga yaon;
2Bago ang araw, at ang liwanag, at ang buwan, at ang mga bituin ay magdilim, at ang mga alapaap ay magsibalik pagkatapos ng ulan.
3Sa kaarawan na ang mga tagapagingat ng bahay ay manganginginig, at ang mga malakas na lalake ay mapapayukod, at ang mga manggigiling ay mangaglilikat sapagka't sila'y kaunti, at yaong nagsisidungaw sa mga dungawan ay mangasisilaw,
4At ang mga pintuan ay sasarhan sa mga lansangan; pagka ang tunog ng giling ay humina, at ang isa'y babangon sa tinig ng ibon, at lahat ng mga anak na babae ng tugtugin ay mabababa;
5Oo, sila'y mangatatakot sa mataas, at ang mga kakilabutan ay mapapasa daan; at ang puno ng almendro ay mamumulaklak; at ang balang ay magiging pasan, at ang pita ay manglulupaypay: sapagka't ang tao ay pumapanaw sa kaniyang malaong #Job 17:13. tahanan, #Jer. 9:17. at ang mga tagapanangis ay nagsisigala sa mga lansangan:
6Bago ang panaling pilak ay mapatid, o ang mangkok na ginto ay mabasag, o ang banga ay mabasag sa bukal, o ang gulong ay masira sa balon;
7 #
Gen. 2:7; 3:19; Job 34:15; Awit 90:3; 103:4; Ec. 7:1. At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios #Gen. 2:7. na nagbigay sa kaniya.
8Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, #Ec. 1:2. sabi ng #Ec. 1:1. Mangangaral; lahat ay walang kabuluhan.
9At bukod dito, sapagka't ang Mangangaral ay pantas, ay nagpatuloy siya ng pagtuturo ng kaalaman sa bayan; oo, siya'y nagaral, at sumiyasat, #1 Hari 4:32. at umayos ng maraming kawikaan.
10Humanap ang Mangangaral ng mga nakalulugod na salita, at ng nasusulat na matuwid, na mga salita ng katotohanan.
11Ang mga salita ng pantas ay gaya ng mga tulis; at gaya ng mga pako na nakakapit na mabuti, ang mga salita ng mga pangulo ng mga kapulungan, na nabigay mula sa isang pastor.
12At bukod dito, anak ko, maaralan ka: tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay walang wakas; at ang #Ec. 1:18. maraming pagaaral ay kapaguran ng katawan.
13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: #Deut. 6:2; Ec. 5:7. ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.
14Sapagka't dadalhin #Ec. 12:1. ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama.
Kasalukuyang Napili:
ECLESIASTES 12: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982