Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EXODO 15

15
Ang awit ni Moises at ni Miriam.
1Nang magkagayo'y inawit ni #Huk. 5:1; 2 Sam. 22:1.Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon, at sinalita, na sinasabi,
Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati:
Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat.
2Ang Panginoon ay aking lakas at #Awit 18:2; 59:17; 62:7; 118:14; 140:7.awit,
At siya'y naging aking kaligtasan:
Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin.
Dios ng aking ama, at siya'y aking #2 Sam. 22:47. tatanghalin.
3Ang Panginoo'y isang #Awit 24:8; Apoc. 19:11. mangdidigma:
Panginoon ang kaniyang pangalan.
4Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat;
At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa Dagat na Mapula.
5Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila:
Sila'y lumubog sa mga kalaliman, na #Neh. 9:11. parang isang bato.
6 # Awit 118:15, 16. Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan.
Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway.
7At sa kalakhan ng iyong #Deut. 33:26. karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo:
Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit, at nililipol silang parang #Is. 5:24; 47:14. dayami.
8 # Ex. 14:21; Awit 18:15. At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang #Awit 78:13; Hab. 3:10. tubig,
Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton;
Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat.
9Sinabi ng kaaway,
Aking hahabulin, aking aabutan, magbabahagi ako ng samsam,
Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila;
Aking bubunutin ang aking tabak, lilipulin sila ng aking kamay.
10Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin, at tinabunan sila ng dagat.
Sila'y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig.
11 # 2 Sam. 7:22; 1 Hari 8:23; Awit 71:19; 86:8; 89:6-8; Jer. 10:6. Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios?
Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan,
Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?
12Iyong iniunat ang iyong kanang kamay,
Nilamon sila ng lupa.
13 # Awit 77:20. Iyong pinapatnubayan sa iyong awa ang bayan na iyong #Awit 77:15. tinubos:
Sa iyong kalakasan ay iyong inihahatid sila #tal. 2; 2 Sam. 15:25. sa banal mong tahanan.
14 # Blg. 14:14. Narinig ng mga bayan; at sila'y nanginig:
Mga sakit ang #Awit 48:6. kumapit sa mga taga Filistia.
15 # Deut. 2:4. Nang magkagayo'y natulig #Gen. 36:15-43. ang mga pangulo sa Edom;
# Blg. 22:3. Sa matatapang sa Moab, ay panginginig ang sumasakanila:
Lahat ng taga Canaan ay nauubos.
16Sindak at gulat ang #Jos. 2:9, 24. sumasakanila;
Sa kadakilaan ng iyong bisig ay nagiging walang kibo sila na #1 Sam. 25:37. parang bato;
Hanggang sa ang iyong bayan ay makaraan, Oh Panginoon,
Hanggang sa makaraan ang bayang ito #Awit 74:2. na iyong kinamtan.
17Sila'y iyong papapasukin, at #Awit 44:2; 80:8. sila'y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana,
Sa dako, Oh Panginoon, na iyong ginawa sa iyo, upang iyong tahanan,
# Awit 78:54. Sa santuario, Oh Panginoon, na itinatag ng iyong mga kamay.
18 # Awit 10:16. Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man.
19Sapagka't ang mga kabayo ni Faraon, ay nagsipasok pati ng kaniyang mga karro at pati ng kaniyang mga nangangabayo sa dagat, at pinapanumbalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila; datapuwa't lumakad ang mga anak ni Israel sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.
20At si Miriam na #Huk. 4:4; 1 Sam. 10:5. propetisa na #Ex. 2:4.kapatid ni Aaron, ay #1 Sam. 18:6.tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at #Awit 68:25.sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsayawan.
21At #1 Sam. 18:7.sila'y sinagot ni Miriam,
# tal. 1. Umawit kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati;
Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat.
22At pinatnubayan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Mapula, at sila'y lumabas sa ilang ng #Gen. 16:7; 25:18.Shur; at sila'y lumakad na tatlong araw sa ilang, at hindi nakasumpong ng tubig.
Ang Israel sa Mara.
23At nang sila'y dumating sa Mara, ay hindi sila makainom ng tubig sa Mara, sapagka't mapait: kaya't ang pangalang itinawag ay Mara.#15:23 Kapaitan.
24At #Ex. 16:2; 17:3.inupasala ng bayan si Moises, na sinasabi, Anong aming iinumin?
25At siya'y dumaing sa Panginoon; at pinapagkitaan siya ng Panginoon ng isang puno ng kahoy, at #2 Hari 2:21; 4:41.inihagis niya sa tubig, at ang tubig ay tumabang. Doon inatangan niya ng palatuntunan, at ng tagubilin #Ex. 16:4; Deut. 8:2, 16.at doon sila sinubok niya;
26At sinabi, #Deut. 7:12, 15.Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang kaniyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat niyang mga palatuntunan ay #Deut. 28:27, 60.wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Egipcio: sapagka't ako ang Panginoon na #Awit 103:3. nagpapagaling sa iyo.
27At sila'y dumating sa #Blg. 16:11.Elim, na doo'y mayroong labingdalawang bukal ng tubig, at pitongpung puno ng palma; at sila'y humantong doon sa tabi ng mga tubig.

Kasalukuyang Napili:

EXODO 15: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in