Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EZEKIEL 25

25
Mga hula laban sa Ammon, sa Moab, sa Edom, at sa Filisteo.
1At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha #Ezek. 21:28. sa mga anak ni Ammon, at manghula ka laban sa kanila:
3At sabihin mo sa mga anak ni Ammon, Inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't iyong sinabi, Aha, laban sa aking santuario, nang #Ezek. 26:6. malapastangan; at laban sa lupain ng Israel, nang masira; at laban sa sangbahayan ni Juda, nang sila'y pumasok sa pagkabihag:
4Kaya't narito, aking ibibigay ka sa #Ezek. 21:20. mga anak ng silanganan na pinakaari, at kanilang itatayo ang kanilang mga kampamento sa iyo, at magsisigawa ng kanilang mga tahanan sa iyo; kanilang kakanin ang iyong bunga ng kahoy, at kanilang iinumin ang iyong gatas.
5At aking gagawin ang #Ezek. 21:20. Raba na pinaka silungan ng mga kamello, at ang mga anak ni Ammon na pinakapahingahang dako ng mga kawan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
6Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't pumakpak ka ng iyong mga kamay, at tumadyak ka ng mga paa, at nagalak ka ng buong paghamak ng iyong kalooban laban sa lupain ng Israel;
7Kaya't narito, aking iniunat ang aking kamay sa iyo, at ibibigay kita #Ezek. 7:21. na pinakasamsam sa mga bansa; at ihihiwalay kita sa mga bayan, at ipalilipol kita sa mga lupain: aking ibubuwal ka; at iyong malalaman na ako ang Panginoon.
8Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang #Is. 15:1. Moab at ang #Ezek. 35:2. Seir ay nagsasabi, Narito, ang sangbahayan ni Juda ay gaya ng lahat na bansa;
9Kaya't, narito, aking bubuksan ang tagiliran ng Moab mula sa mga bayan, mula sa kaniyang mga bayan na nangasa kaniyang mga hangganan, na kaluwalhatian ng lupain, ang #Jos. 12:3. Beth-jesimoth, ang #1 Cron. 5:8. Baal-meon, at ang #Jer. 48:1. Chiriathaim.
10Hanggang sa mga anak ng silanganan, upang magsiparoon laban sa mga anak ni Ammon; at aking ibibigay sa kanila na pinakaari, upang ang mga anak ni Ammon ay huwag ng mangaalaala sa gitna ng mga bansa:
11At ako'y maglalapat ng kahatulan sa Moab: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
12Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang #Awit 137:7; Is. 34:5. Edom ay gumawa ng laban sa sangbahayan ni Juda sa panghihiganti, at nagalit na mainam, at nanghiganti sa kanila;
13Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking iuunat ang aking kamay laban sa Edom, at aking ihihiwalay ang tao at hayop doon; at aking gagawing sira #1 Cron. 1:45. mula sa Teman; hanggang sa #Ezek. 27:15, 20; 38:13. Dedan nga ay mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak.
14At #Jer. 49:7-22; Amos 9:12; Oba. 1:19, 21. aking isasagawa ang aking panghihiganti sa Edom, sa pamamagitan ng kamay ng aking bayang Israel; at kanilang gagawin sa Edom ang ayon sa aking galit, at ayon sa aking kapusukan; at kanilang malalaman ang aking panghihiganti, sabi ng Panginoong Dios.
15Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang mga #Is. 14:29-32; Jer. 25:20; 47:1; Joel 3:4; Amos 1:6. Filisteo ay gumawa ng panghihiganti, at nanghiganti na may kapootan ng loob upang magpahamak ng pakikipagkaalit na magpakailan man;
16Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking iuunat ang aking kamay sa mga Filisteo, at aking ihihiwalay ang mga #1 Sam. 30:14. Ceretheo, at ipapahamak ko ang labi sa baybayin ng dagat.
17At ako'y gagawa ng malaking panghihiganti sa kanila na may malupit na mga pagsaway; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking isinagawa ang aking panghihiganti sa kanila.

Kasalukuyang Napili:

EZEKIEL 25: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in