Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

GALACIA 6

6
1Mga kapatid, #Sant. 5:19. kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong #1 Cor. 3:1. mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa #1 Cor. 4:21; 2 Tim. 2:25. espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso.
2Mangagdalahan kayo ng mga #Rom. 15:1; Gal. 5:14. pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon #Juan 13:34. ang kautusan ni Cristo.
3Sapagka't kung #1 Cor. 8:2. ang sinoman ay nagaakala na siya'y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan, ang kaniyang sarili ang dinadaya niya.
4Nguni't siyasatin ng #1 Cor. 11:28. bawa't isa ang kaniyang sariling gawa, at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng kaniyang kapurihan tungkol sa kaniyang sarili lamang, at hindi tungkol sa kapuwa.
5Sapagka't ang #Rom. 14:12. bawa't tao ay magpapasan ng kaniyang sariling pasan.
6Datapuwa't ang tinuturuan #1 Cor. 9:14. sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti.
7Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang #2 Cor. 9:6. lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.
8Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan.
9 # 2 Tes. 3:13. At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, #Heb. 10:36. kung hindi tayo manganghihimagod.
10Kaya nga, samantalang tayo'y may pagkakataon, ay #1 Tes. 5:15; 1 Tim. 6:18. magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa #Ef. 2:19; 3 Juan 5. mga kasangbahay sa pananampalataya.
11Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo #1 Cor. 16:21. ng aking sariling kamay.
12Yaong #2 Cor. 11:13. lahat na may ibig magkaroon ng isang mabuting anyo sa laman, #Gal. 2:3, 14. ay siyang pumipilit sa inyo na mangagtuli; upang huwag lamang silang #Gal. 5:11. pagusigin dahil sa krus ni Cristo.
13Sapagka't yaon mang nangatuli na ay hindi rin nagsisitupad ng kautusan; nguni't ibig nilang kayo'y ipatuli, upang sila'y mangagmapuri sa inyong laman.
14Datapuwa't malayo nawa sa akin ang #Fil. 3:3, 7, 8. pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao'y ang sanglibutan ay #Rom. 6:6. napako sa krus sa ganang akin, at ako'y sa sanglibutan.
15Sapagka't ang pagtutuli ay walang anoman, kahit man ang di-pagtutuli, kundi #Juan 3:5, 7; 2 Cor. 5:17; Ef. 2:15. ang bagong nilalang.
16At ang lahat #Fil. 3:16. na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito, #Awit 125:5. kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila, at sa #Rom. 9:8. Israel ng Dios.
17Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin; sapagka't dala kong nakalimbag sa aking katawan #2 Cor. 1:5; 11:23-25. ang mga tanda ni Jesus.
18Mga kapatid, #2 Tim. 4:22; Flm. 25. ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. Siya nawa.

Kasalukuyang Napili:

GALACIA 6: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in