Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

GENESIS 39

39
Si Jose ay naging Tagapamahala ni Potiphar.
1At ibinaba si Jose sa Egipto; at binili siya ni #Gen. 37:36.Potiphar, puno ni Faraon, na kapitan ng bantay, na lalaking taga Egipto, #Gen. 37:28.sa kamay ng mga Ismaelita na nagdala sa kaniya roon.
2 # tal. 21; Gen. 21:22; 26:24, 28; 28:15; 1 Sam. 16:18; 18:14, 28; Gawa 7:9. At ang Panginoon ay suma kay Jose, at naging lalaking mapalad; at siya'y nasa bahay ng kaniyang panginoong taga Egipto.
3At nakita ng kaniyang panginoon, na ang Panginoon ay sumasakaniya, at ang lahat ng kaniyang ginagawa ay pinagpapala ng #2 Cron. 26:5; Awit 1:3.Panginoon sa kaniyang kamay.
4 # tal. 21; Gen. 19:19; 33:10. At nakasumpong si Jose ng biyaya sa kaniyang paningin, at pinaglingkuran niya siya: at sa kaniya'y ipinamahala niya ang bahay, at ang lahat niyang tinatangkilik #tal. 8.ay isinakaniyang kamay.
5At nangyari, na mula sa panahon na siya'y pamahalain sa kaniyang bahay, at sa lahat ng kaniyang tinatangkilik, ay pinagpala ng #Gen. 30:27.Panginoon ang bahay ng taga Egiptong yaon dahil kay Jose; at ang pagpapala ng Panginoon ay sumalahat ng kaniyang tinatangkilik, sa bahay at sa parang.
6At kaniyang ipinamahala ang lahat niyang tinatangkilik sa kamay ni Jose; at hindi siya nakikialam ng anomang kaniya, liban sa tinapay na kaniyang kinakain. At si Jose ay #Gen. 29:17; 1 Sam. 16:12.may magandang pagmumukha at kahalihalina.
Si Jose at ang asawa ni Potiphar.
7At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na tinitigan si Jose ng asawa ng kaniyang panginoon at sinabi, Sipingan mo ako.
8Datapuwa't siya'y tumanggi at sinabi niya sa asawa ng kaniyang panginoon, Narito, ang aking panginoon ay hindi nakikialam sa akin tungkol sa nasa bahay, at lahat ng kaniyang tinatangkilik ay ipinamahala sa aking kamay;
9Walang sinomang dakila kay sa akin sa bahay na ito; walang ipinagkait sa aking anomang bagay, kung di ikaw lamang, sapagka't ikaw ay kaniyang asawa: paano ngang aking magagawa itong malaking kasamaan, #2 Sam. 12:13; Awit 51:4.at kasalanan laban sa Dios?
10At nangyari, na nakikiusap man siya kay Jose araw-araw, ay hindi #Kaw. 1:10.nakikinig sa kaniya na siya'y sipingan, o pakisamahan.
11At nangyari nang panahong ito, na siya'y pumasok sa bahay upang gawin niya ang kaniyang gawain at wala sinoman sa mga tao sa bahay doon sa loob.
12 # Kaw. 7:13, 18. At siya'y pinigilan niya sa kaniyang suot, na sinasabi, Sipingan mo ako: at iniwan niya ang kaniyang suot sa kamay niya at tumakas, at lumabas.
13At nangyari, na pagkakita niyang iniwan ang kaniyang suot sa kamay niya, at tumakas sa labas,
14Na siya'y tumawag ng mga tao sa kaniyang bahay, at sinalita sa kanila, na sinasabi, Tingnan ninyo, na dinalhan niya tayo ng isang Hebreo, upang tayo'y tuyain; pinasok niya ako upang ako'y sipingan, at ako'y naghihiyaw ng malakas:
15At nangyari nang marinig niyang ako'y nagtaas ng tinig at naghihiyaw, na iniwan ang kaniyang suot sa aking siping, at tumakas, at lumabas.
16At kaniyang iningatan ang suot niya sa kaniyang siping, hanggang sa umuwi ang kaniyang panginoon sa kaniyang bahay.
17At sinalita niya sa kaniya ng ayon sa mga salitang ito, na sinasabi, Pinasok ako ng aliping Hebreo na iyong dinala sa atin, upang tuyain ako:
18At nangyari, na sapagka't nagtaas ako ng aking tinig at ako'y naghihiyaw, ay kaniyang iniwan ang suot niya sa aking siping, at tumakas sa labas.
19At nangyari, na pagkarinig ng kaniyang panginoon ng mga salita na sinalita sa kaniya ng kaniyang asawa, na sinasabi, Ganitong paraan ang ginawa sa akin ng iyong alipin; ay nagalab ang kaniyang galit.
Si Jose ay ibinilanggo.
20At dinala ng kaniyang panginoon si Jose, #Awit 105:18.at inilagay sa #Gen. 40:3, 15; 41:44.bilangguan, sa dakong pinagkukulungan ng mga bilanggo ng hari: at siya'y natira roon sa bilangguan.
21Datapuwa't ang Panginoon ay suma kay Jose, at iginawad sa kaniya ang awa, #Ex. 3:21; 11:3; 12:36; Gawa 7:9, 10.at pinagkalooban ng biyaya sa paningin ng katiwala sa bilangguan.
22At #Gen. 40:3, 4.ipinamahala ng katiwala sa bilangguan sa mga kamay ni Jose ang lahat na mga bilanggo na nasa bilangguan; at ang lahat ng ginagawa roon ay siya ang gumagawa.
23Hindi tinitingnan ng katiwala ng bilangguan ang anomang bagay na #tal. 2, 3.nasa kaniyang kamay, sapagka't ang Panginoo'y suma kay Jose; at ang kaniyang ginagawa ay pinagpapala ng Panginoon.

Kasalukuyang Napili:

GENESIS 39: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in