Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA HEBREO 1

1
1Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at #Blg. 12:6, 8. sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,
2Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na #Gal. 4:4; Heb. 9:36; 1 Ped. 1:20. ito sa pamamagitan, #tal. 8; Heb. 3:6; 5:8; 7:28. ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na #Awit 2:8; Mat. 21:38; Rom. 8:17. tagapagmana ng lahat ng mga bagay, #Juan 1:3; Ef. 3:9. na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;
3 # Juan 1:14. Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at #2 Cor. 4:4. tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at #Col. 1:17. umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, #Heb. 9:14. nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, #Awit 110:1; Heb. 8:1. ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;
4Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y #Ef. 1:21; Fil. 2:9, 10. nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila.
5Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man,
Ikaw ay #Awit 110:1. aking Anak,
Ikaw ay aking ipinanganak ngayon?
at muli,
# 2 Sam. 7:14. Ako'y magiging kaniyang Ama,
At siya'y magiging aking Anak?
6At muli nang dinadala niya #Rom. 8:29. ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios.
7At sinasabi niya tungkol sa mga anghel,
# Awit 104:4. Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin,
At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy:
8Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi,
# Awit 45:6, 7. Ang iyong luklukan,
Oh Dios, ay magpakailan man;
At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.
9Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan;
Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo,
# Is. 61:1, 3. Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.
10At,
# Awit 102:25-27. Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa,
At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay:
11Sila'y mangapapahamak; datapuwa't ikaw ay nananatili:
At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan;
12At gaya ng isang balabal sila'y iyong bibilutin,
At sila'y mapapalitang gaya ng kasuutan:
Nguni't ikaw ay ikaw rin,
At ang iyong mga taon ay di matatapos.
13Nguni't kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man,
# Awit 2:7. Lumuklok ka sa aking kanan,
Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa?
14Hindi baga silang #Gen. 28:12; 32:1, 2, 24; Awit 103:20, 21; Luc. 1:19, 26; 2:9, 13; Gawa 12:7. lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?

Kasalukuyang Napili:

MGA HEBREO 1: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in