MGA HEBREO 6
6
1Kaya't tayo'y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo'y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi #Heb. 9:14. sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios,
2Ng aral #Gawa 19:4, 5. na tungkol sa mga paglilinis, #Gawa 8:14-17. at ng pagpapatong ng mga kamay, #Gawa 17:31, 32. at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, #Gawa 24:25. at ng paghuhukom na walang hanggan.
3At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng Dios.
4Sapagka't tungkol sa mga minsang #Heb. 10:32. naliwanagan at nakalasap #Juan 4:10. ng kaloob ng kalangitan, at mga #Heb. 2:4. nakabahagi ng Espiritu Santo,
5At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan #Heb. 2:5. ng panahong darating,
6At saka nahiwalay sa Dios ay #Mat. 12:31, 45; Heb. 10:26. di maaaring baguhin silang muli #Heb. 12:17. sa pagsisisi; #Heb. 10:29. yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.
7Sapagka't ang lupang #Awit 65:10. humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya, at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila'y binukid, ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios:
8Datapuwa't #Is. 5:6. kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin.
9Nguni't, mga minamahal, naniniwala kaming lubos sa magagaling na bagay tungkol sa inyo, at sa mga bagay na kalakip ng pagkaligtas, bagama't kami ay nagsasalita ng ganito:
10Sapagka't ang #Mat. 10:42. Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong #Rom. 15:25; 2 Tim. 1:18. paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo'y nagsisipaglingkod kayo.
11At ninanasa namin na ang #Heb. 3:6. bawa't isa sa inyo ay magpakita ng gayon ding sikap sa ikalulubos ng pagasa hanggang sa katapusan:
12Na huwag kayong #Heb. 5:11. mga tamad, kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana #Gal. 3:18. ng mga pangako.
13Sapagka't nang mangako ang Dios kay Abraham, palibhasa'y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas, ay #Luc. 1:73. ipinanumpa ang kaniyang sarili,
14Na sinasabi, #Gen. 22:16, 17. Tunay sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin kita.
15At sa ganito, nang makapaghintay na may pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako.
16Sapagka't ipinanunumpa ng mga tao ang lalong mataas: at sa bawa't pagtatalo nila'y #Ex. 22:11. ang sumpa sa pagpapatotoo ang siyang katapusan.
17Sa ganito, sa pagkaibig ng Dios na maipakitang lalong sagana sa mga #Heb. 11:9. tagapagmana ng pangako #Awit 110:4. ang kawalan ng pagbabago ng kaniyang pasiya, ay ipinamagitan ang sumpa;
18Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya'y #Tit. 1:9. di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan:
19Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag #Lev. 16:15. at pumapasok sa nasa loob ng #Heb. 9:3. tabing;
20Na doo'y #Heb. 4:14. pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, #Heb. 3:1; 5:6. na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
Kasalukuyang Napili:
MGA HEBREO 6: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982