OSEAS 13
13
Binigyan ng mga babala.
1Nang magsalita ang Ephraim, ay nagkaroon ng panginginig; siya'y nagpapakalaki sa kaniyang sarili sa Israel; nguni't nang #Os. 11:2. siya'y magkasala tungkol kay Baal ay namatay siya.
2At ngayo'y nangagkasala sila ng higit at higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa: sinasabi nila tungkol sa mga yaon; Magsihalik sa mga guya ang mga tao na nangaghahain.
3Kaya't sila'y magiging parang ulap sa umaga, at parang hamog na nawawalang maaga, na #Awit 1:4. gaya ng dayami na tinatangay ng ipoipo mula sa giikan, at #Awit 68:2. parang usok na lumalabas sa Chimenea:
4Gayon ma'y ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto; at wala kang makikilalang Dios kundi ako, at liban sa akin #Deut. 32:37-39. ay walang tagapagligtas.
5Nakilala kita #Deut. 2:7. sa ilang, #Deut. 8:15. sa lupain ng malaking katuyuan.
6Ayon sa pastulan sa kanila, gayon sila nangabusog; #Deut. 8:12, 14. sila'y nangabusog, at ang kanilang puso ay nagmalaki: kaya't kinalimutan nila ako.
7Kaya't ako'y magiging parang leon sa kanila; parang leopardo na ako'y magbabantay sa tabi ng daan;
8Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak, at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso; at doo'y lalamunin ko sila ng gaya ng leon; lalapain sila ng mabangis na hayop.
9Siyang iyong kapahamakan #Os. 14:1. Oh Israel, #tal. 4. na ikaw ay laban sa akin, laban sa iyong katulong.
10Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan? at ang iyong mga hukom, na #1 Sam. 8:5, 19. iyong pinagsasabihan, Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe?
11Aking binigyan ka ng #1 Sam. 15:22, 23. hari sa aking kagalitan, at inalis ko siya sa aking poot.
12Ang kasamaan ng Ephraim ay nababalot; ang kaniyang kasalanan ay nabubunton.
13Ang mga kapanglawan ng nagdaramdam na babae ay dadanasin niya: siya'y hindi pantas na anak; sapagka't panahon na hindi sana siya marapat maghirap #Is. 37:3. sa pagwawaksi ng mga yaon.
14Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan. #1 Cor. 15:55. Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong mga salot? Oh Sheol, saan nandoon ang iyong kasiraan? #Rom. 11:29. pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata.
15Bagaman siya'y mabunga sa kaniyang mga kapatid, isang hanging silanganan ay #Os. 12:2. darating, ang hinga ng Panginoon ay umiilanglang mula sa ilang; at ang kaniyang tipunan ng tubig ay magiging tuyo, at ang kaniyang bukal ay matutuyo: kaniyang sasamsamin ang kayamanan ng lahat na maligayang kasangkapan.
16Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala; sapagka't siya'y nanghimagsik laban sa kaniyang Dios: #Os. 10:14. sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay paluluwain ang bituka.
Kasalukuyang Napili:
OSEAS 13: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982