ISAIAS 26
26
Awit ng pagtitiwala sa pagiingat ng Panginoon.
1Sa araw na #Is. 2:11. yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda: Tayo ay may matibay na bayan; #Is. 60:18. kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan.
2Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan, #Awit 118:19, 20. upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan.
3Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.
4Magsitiwala kayo sa Panginoon #Is. 45:17. magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.
5Sapagka't ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas, na mapagmataas na bayan: #Is. 45:12. kaniyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa: kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok.
6Yayapakan ng paa, sa makatuwid baga'y ng mga paa ng dukha, at ng mga hakbang ng mapagkailangan.
7Ang daan ng ganap ay katuwiran: #Awit 58:2. ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap.
8Oo, #Is. 64:5. sa daan ng iyong mga kahatulan, Oh Panginoon, nangaghintay kami sa iyo: #Neh. 1:21. sa iyong pangalan at sa alaala sa iyo ang nasa ng aming kaluluwa.
9Ninasa #Awit 77:2; A. ng A. 3:1. kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka't pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan.
10Magpakita man ng awa sa masama, #Ec. 8:12. hindi rin siya matututo ng katuwiran; #Awit 143:10. sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian, at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon.
11Panginoon, ang iyong kamay ay nakataas, gayon ma'y hindi nila nakikita: nguni't makikita nila ang iyong sikap sa bayan, at mangapapahiya; oo, sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway.
12Panginoon, ikaw ay magaayos ng kapayapaan sa amin: sapagka't ikaw rin ang #1 Cor. 15:10. gumawa ng lahat naming gawa na para sa amin.
13Oh Panginoon naming Dios, #2 Cron. 12:18. ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; nguni't #2 Hari 18:4-6. ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan.
14 Sila'y patay, sila'y hindi mabubuhay; sila'y namatay, sila'y hindi babangon: kaya't iyong dinalaw at sinira sila, #Ec. 9:5. at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila.
15 #
Is. 9:3. Iyong pinarami ang bansa, Oh Panginoon, iyong pinarami ang bansa; ikaw ay nagpakaluwalhati: iyong pinalaki ang lahat na hangganan ng lupain.
16Panginoon, #Os. 5:15. sa kabagabagan ay dinalaw ka nila, sila'y nangagbugso ng dalangin, nang pinarurusahan mo sila.
17Gaya #Is. 13:8. ng babae na nagdadalang-tao na lumalapit ang panahon ng kaniyang panganganak, ay nasa hirap at humihiyaw sa kaniyang pagdaramdam; naging gayon kami sa harap mo, Oh Panginoon.
18Kami ay nangagdalang-tao, kami ay nalagay sa pagdaramdam, kami ay tila nanganak ng hangin; kami ay hindi nagsigawa ng anomang kagalingan sa lupa; o nabuwal man #Awit 17:14. ang mga nananahan sa sanglibutan.
19Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. #Dan. 12:2; Ef. 6:14. Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka't ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay.
20Ikaw ay parito, bayan ko, #Mat. 6:6. pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo: magkubli kang sangdali, hanggang sa ang galit ay makalampas;
21Sapagka't, narito, ang Panginoon ay lumalabas #Mik. 1:3; Jud. 4. mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo, at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay.
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 26: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982