ISAIAS 6
6
Ang pangitain ni Isaias, at pagkasugo.
1 #
2 Hari 15:7. Noong taong mamatay ang haring #Is. 1:1. Uzzias ay #Juan 12:31. nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian.
2Sa itaas niya ay nangakatayo ang mga serapin: bawa't isa'y may #Apoc. 4:8. anim na pakpak: na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha, at #Is. 1:11. may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kaniya.
3At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, #Apoc. 4:8. Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian.
4At ang mga patibayan ng mga pintuan ay nakilos sa tinig ng sumisigaw, at #Ex. 19:18; Apoc. 15:8. ang bahay ay napuno ng usok.
5 #
Ex. 3:6. Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't #Ex. 4:10; 6:30; Huk. 6:22; 13:22; Jer. 1:6. nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo.
6Nang magkagayo'y nilipad ako ng isa sa mga serapin, na may baga sa kaniyang kamay, na kaniyang kinuha ng mga pangipit #Apoc. 8:3. mula sa dambana:
7At hinipo niya niyaon ang aking bibig, at nagsabi, Narito, hinipo nito ang iyong mga labi; at ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis.
8At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako.
9At sinabi niya, Ikaw ay yumaon, at saysayin mo sa bayang ito, #Mat. 13:14; Mar. 4:12; Luc. 8:10; Juan 12:40; Gawa 28:26; Rom. 11:8. Inyong naririnig nga, nguni't hindi ninyo nauunawa; at nakikita nga ninyo, nguni't hindi ninyo namamalas.
10Patabain mo ang puso #Deut. 29:4. ng bayang ito, at iyong pabigatin ang kanilang mga pakinig, at iyong ipikit ang kanilang mga mata; baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakarinig ng kanilang mga pakinig, at mangakaunawa ng kanilang puso, at mangagbalik loob, at magsigaling.
11Nang magkagayo'y sinabi ko, Panginoon, hanggang kailan? At siya'y sumagot, Hanggang sa ang mga bayan ay mangagiba na walang tumahan, at ang mga bahay ay mangawalan ng tao, at ang lupain ay maging lubos na giba,
12At ilayo ng Panginoon ang mga tao, at ang mga nilimot na dako ay magsidami sa gitna ng lupain.
13At kung magkaroon ng ikasangpung bahagi roon, mapupugnaw uli: gaya ng isang roble, at gaya ng isang encina, na ang puno ay naiiwan, pagka pinuputol; gayon ang banal na #Ezra 9:2. lahi ay siyang puno niyaon.
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 6: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982