Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 64

64
Panalangin sa paghingi ng awa at tulong.
1 # Awit 18:9. Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.
2Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan!
3Nang ikaw ay #Ezek. 34:10; Huk. 5:4. gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.
4Sapagka't hindi narinig ng mga tao mula nang una, #1 Cor. 2:9. o naulinigan man ng pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo, na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya.
5 # Is. 26:3. Iyong sinasalubong siya na nagagalak at gumagawa ng katuwiran, yaong nagsialaala sa iyo sa iyong mga daan: narito, ikaw ay napoot, at kami ay nagkasala: napasa kanila kaming malaong panahon; at maliligtas baga kami?
6 # Lev. 5:2, etc. Sapagka't kaming lahat ay naging parang marumi, at ang #Fil. 3:9. lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi: at #Is. 40:6-8. nalalantang gaya ng dahon kaming lahat; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan, na parang hangin.
7At walang tumatawag ng iyong pangalan, na gumigising upang manghawak sa iyo; sapagka't #Is. 54:8. ikinubli mo ang iyong mukha sa amin, at iyong pinugnaw kami sa aming mga kasamaan.
8Nguni't ngayon, Oh Panginoon, #Is. 63:16. ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, #Is. 44:19. at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay #Awit 138:8; Is. 60:21. gawa ng iyong kamay.
9Huwag kang lubhang mapoot, Oh Panginoon, o umalaala man ng kasamaan ng magpakailan man: narito, tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, kaming lahat ay iyong #Awit 79:13. bayan.
10Ang iyong mga bayang banal ay naging ilang, ang Sion ay naging giba, ang Jerusalem ay sira.
11Ang aming banal at magandang bahay, na pinagpupurihan sa iyo ng aming mga magulang #2 Hari 25:9; Is. 63:18. ay nasunog sa apoy; at lahat naming maligayang bagay ay nasira.
12Magpipigil ka baga sa mga bagay na ito, #Is. 42:16. Oh Panginoon? ikaw baga'y tatahimik, at pagdadalamhatiin mo kaming mainam?

Kasalukuyang Napili:

ISAIAS 64: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in