JEREMIAS 11
11
Ang hindi pagsunod ng Juda sa tipan ng Panginoon.
1Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,
2Inyong pakinggan ang mga salita ng tipang ito, at inyong salitain sa mga tao ng Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem,
3At iyong sabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, #Deut. 27:26; Gal. 3:10. Sumpain ang taong hindi nakikinig ng mga salita ng tipang ito,
4Na aking iniutos sa iyong mga magulang, nang araw na aking inilabas sila mula sa lupain ng Egipto, #Deut. 4:20. mula sa hurnong bakal, na nagsasabi, #Lev. 26:3, 12. inyong talimahin ang aking tinig, at inyong isagawa, ayon sa lahat na iniuutos ko sa inyo: sa gayo'y magiging bayan ko kayo, at ako'y magiging inyong Dios;
5Upang #Deut. 7:12, 13. aking maitatag ang sumpa na aking isinumpa sa inyong mga magulang, upang ibigay ko sa kanila ang isang #Ex. 3:8. lupaing binubukalan ng gatas at pulot, gaya sa araw na ito. Nang magkagayo'y sumagot ako, at sinabi ko, #Deut. 27:15-26. Siya nawa, Oh Panginoon.
6At sinabi ng Panginoon sa akin, Inyong itanyag ang lahat ng mga salitang ito sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, na inyong sabihin, Inyong dinggin ang mga salita ng tipang ito, #Rom. 2:13; Sant. 1:22. at inyong isagawa.
7Sapagka't aking pinatunayang mainam sa inyong mga magulang nang araw na aking iahon sila sa lupain ng Egipto, hanggang sa araw na ito, #2 Cron. 36:15. na ako'y bumabangong maaga at pinatutunayan ko, na aking sinasabi, Inyong talimahin ang aking tinig.
8Gayon ma'y hindi nila tinalima o ikiniling man ang kanilang pakinig kundi lumakad bawa't isa sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso: kaya't dinala ko sa kanila ang lahat na salita ng tipang ito, na aking iniutos sa kanila na isagawa, nguni't hindi nila isinagawa.
Pagbabanta laban kay Jeremias.
9At sinabi ng Panginoon sa akin, #Ezek. 22:25. Isang pagbabanta ay nasumpungan sa gitna ng mga lalake ng Juda, at sa gitna ng mga nananahan sa Jerusalem.
10Sila'y nanganumbalik #Awit 79:8; Jer. 17:23. sa mga kasamaan ng kanilang mga kanunuan, na nagsitangging duminig ng aking mga salita; at sila'y nagsisunod sa ibang mga dios upang paglingkuran: sinira ng sangbahayan ni Israel at ng sangbahayan ni Juda ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang.
11Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa kanila, na hindi nila matatakasan; at sila'y magsisidaing sa akin, nguni't hindi ko sila didinggin.
12Kung magkagayo'y magsisiyaon at magsisidaing ang mga bayan ng Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem sa mga dios na kanilang pinaghandugan ng kamangyan: nguni't hindi sila ililigtas nila sa anoman sa panahon ng kanilang kabagabagan.
13Sapagka't #Jer. 2:28. ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios. Oh Juda; at ayon sa bilang ng mga lansangan ng Jerusalem ay nagtayo kayo ng mga dambana sa kahiyahiyang bagay, mga dambana upang pagsunugan ng kamangyan kay Baal.
Pagtawag ni Jeremias.
14Kaya't huwag mong #Jer. 7:16. idalangin ang bayang ito, o palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man; sapagka't hindi ko didinggin sila sa panahon na sila'y magsisidaing sa akin dahil sa kanilang kabagabagan.
15Anong magagawa ng aking sinta sa aking buhay, yamang siya'y gumawa ng kahalayan sa marami, at #Hag. 2:12. ang banal na lamang handog ay humiwalay sa iyo? pagka ikaw ay gumagawa ng kasamaan, ikaw nga'y nagagalak.
16Tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan, #Awit 52:8. Sariwang puno ng olivo, maganda na may mainam na bunga: sa pamamagitan ng ingay ng malaking kagulo ay kaniyang sinilaban ng apoy, at ang mga sanga niyaon ay nangabali.
17Sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo, na nagtatag sa iyo, ay nagbabadya ng kasamaan laban sa iyo, dahil sa kasamaan ng sangbahayan ni Israel, at ng sangbahayan ni Juda na kanilang ginawa sa ganang kanilang sarili #Jer. 7:18. sa pamumungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng paghahandog ng kamangyan kay Baal.
18At binigyan ako ng kaalaman ng Panginoon tungkol doon, at naalaman ko: nang magkagayo'y ipinakita mo sa akin ang kanilang mga gawa.
19Nguni't ako'y #Is. 53:7. gaya ng maamong kordero na pinapatnubayan sa patayan; at hindi ko naalaman #Jer. 18:18; Panag. 3:60, 61. na sila'y nangakakatha na ng mga katha laban sa akin, na nangagsasabi, Ating sirain ang punong kahoy sangpu ng bunga niyaon, at ating ihiwalay siya sa #Awit 27:13. lupain ng buháy, upang ang kaniyang pangalan ay #Awit 83:4. huwag ng maalaala.
20Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na tumatarok #1 Sam. 16:7; Awit 7:9; Jer. 17:10. ng puso at ng pagiisip, ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila; sapagka't sa iyo inihayag ko ang aking usap.
21Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga lalake ng Anathoth na #Jer. 12:6. nagsisiusig ng iyong buhay, na nangagsasabi, Ikaw ay #Is. 30:10; Amos 2:12; 7:13, 16. huwag manghuhula sa pangalan ng Panginoon, #Deut. 13:1-5. upang huwag kang mamatay sa aming kamay;
22Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking parurusahan sila: ang mga binata ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga anak na lalake at babae ay mangamamatay dahil sa gutom;
23At hindi magkakaroon ng nalabi sa kanila: sapagka't #Jer. 23:12. ako'y magdadala ng kasamaan sa mga lalake ng Anathoth, sa makatuwid baga'y sa #Luc. 19:44. taon ng pagdalaw sa kanila.
Kasalukuyang Napili:
JEREMIAS 11: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982